Ang possible na nangyari ay:
- Hindi nai-forward ang birth certificate mo ng local civil registry (kung saan ka pinanganak) sa NSO/PSA, OR
- Late registration ang birth certificate mo, at kailangan mo ilagay ang date kung kalian nairegister ang birth certificate mo. Pag late registration ang BC, hindi mahahanap ng NSO/PSA ang BC mo sa petsa ng kapanganakan mo, mahahanap nila ang record sa petsa kung kalian nai-record ang BC mo.
Tanungin mo ang mga magulang mo kung late registered ang BC mo. Kung oo, hanapin niyo ang pinakaunang birth certificate na binigay sa kanila ng local civil registry bago nairehistro sa NSO/PSA ang BC mo. Nakalagay doon kung kalian nai-record ang BC mo, at ilalagay mo yun sa form sa pagrequest mo ng BC sa NSO/PSA.
Kung hindi ka late registered, magpatulong ka sa local civil registry na mai-locate ang BC mo para maiforward sa NSO.
Regards,
Atty. Katrina