Anak ako nina "Mother 1" at "Father 1". Since hindi sila kasal (at kahihiyan daw sa pamilya), dinala nila ako sa ibang lugar sa pilipinas at sa civil registrar sa lugar na yun ako pina-register. Pero imbes na under sa biological parents ko, ipinangalan ako bilang anak ng kapatid ni "Mother 1" at kanyang asawa. At nakalagay doon na 2nd born ang birth order ko, samantalang panganay naman talaga ako. Yang records na yan din ang nasa NSO. Ang gusto kong mangyari ngayon, makakuha ng kopya ng totoong birth certificate ko na nakalagay ang pangalan ng mga totoong magulang ko. Ang lumalabas ngayon, tita ko ang biological mother ko. At hindi ko kilala ang bioligical father ko. Tumawag ako sa civil registrar ng city kung saan ako pinanganak pero hinihingan ako ng court order para ilabas daw nila ang birth records ko. Pero dahil legal ang pagkakapangalan sakin bilang anak ng kapatid ng nanay ko, wala akong court order na maipapakita. Pwede kayang magpa-maternal DNA test ako at ipa-suri sa doctor ang totoong birth order ko tapos dalhin ko yan sa korte para sila na ang kumausap sa nanay ko para malaman ko na yung tunay kong pagkatao?