Nakita ko po itong forums na ito kaka-search online ng legal advice kung paano po uumpisahan ayusin ang birth certificate ko.
Natuklasan ko po na wala pong nakalagay na birth date (March 5, 1976 na lagi kong gamit mula pagkabata) sa birth certificate ko noong huli po ako kumuha ng kopya NSO para sana gamitin sa application ng passport. Ang sabi po ng isang help desk clerk sa NSO kailangan ko po daw kumuha ng Affidavit of Supplemetal Report galing sa Civil Registrar ng Cainta, Rizal kung saan po ako ipinanganak para malagyan po ng petsa.
Pagbisita ko po sa registar's office ng Cainta, napansin nila na may nakasulat sa bandang kanang gilid ng cerificate na (6-30-76), at iyun po daw ang dapat ilagay na birth date kung hihingi ako ng Supplemental Report. Kung nais ko po daw na patuloy na gagamitin ang March 5, 1976, sa halip ay mag-file po daw ako ng Correction of Clerical/Typographical Error kahit walang petsa na nakasaad sa certificate. Bukod pa doon, nakita din po nila na married name ng nanay ko ang nakasulat sa certificate sa halip na maiden name.
Paumanhin po kung sobrang haba pero natuturete na din ako sa kaka-isip sa paraan, panahon at gastusin kung para maayos ito.
Maraming salamat po sa pakakapag bigay ng kalinawan!