Kailangan ko lng po tlaga ng advice.. Yung kuya ko lasing nung december 19. Papunta sila sa bahay ng gf nya nang may nakasalubong silang nagiinuman. Dahil nga sa iba na yung mukha ng kuya ko dahil nga lasing na, napagtripan at pinagtulungan ng mga 3 hanggang 4 na tao. Pina branggay namin, pero sa lugar nila. Dayo lang kasi yung kuya ko dun at ang sabi di kami pwdeng mag file sa baranggay namin kasi sa ibang lugar nangyari. Yung baranggay din nila eh ayaw lumaban sa panig namin kasi nga yung kuya ko yung dayo dun khit sya pa ang pinagtulungan. About po sa resulta ng bugbug, maga yung mukha nya at hanggang ngayon dumudugo pa yung ilong nya. Yung katawan nya puno ng pasa. May medical certificate na kami. Pumunta kami ng PNP pero ang sabi lng eh pumunta sa baranggay at sabihin na di kami papa-areglo. Ano pong gagawin namin? Ayaw din mag cooperate ng PNP. Please Help po. Advice lng po tlga kailangan ko.
Free Legal Advice Philippines