Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

nuisance neighbors

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1nuisance neighbors Empty nuisance neighbors Wed Dec 21, 2016 4:54 am

svill


Arresto Menor

good day po.

nakatira po ako sa isang subdivision na magkakadikit po ang bahay. ako po ay isang home-based employee na nagtatrabaho sa graveyard shift, 10 pm to 6 a.m., pero madalas po ay nageextend ako ng oras sa umaga lalo na kapag maraming trabaho.  ang mga kapitbahay ko po ay mahilig magpatugtog gamit ang kanilang subwoofer/bass.  lalo na po yung pinakaharap ng bahay ko. magkatapat po ang mga sala namin. kaya po kapag nagpapatugtog sila ay salong salo sa sala ko yung dagundong nila. at sa tuwing nagpapatugtog sila ng madagundong ay sumasakit po ang ulo ko. minsan po, nagising po ako ng hapon dahil parang may humahampas sa pader ng kwarto ko. yun pala ay dahil madagundong ang tugtog ng harap kong kapitbahay. nanghingi na po ako ng tulong sa homeowner's association ng subdivision namin pero pinagpasa lang po ako ng complaint letter at wala pong ginawang aksyon. ang sabi po ay tumawag daw po ako sa guard kapag dumagundong ulit. ginawa ko po yun ilang beses pero dinadaanan lang po ng guard at hindi naman kinakausap.  nanghingi na rin po ako ng tulong sa barangay. kinausap po sila ng isang kagawad at pinagsabihan na wag na lang magpatugtog ng malakas.  pero mga ilang linggo lang po ay bumabalik na naman sila sa madagundong na tugtog na may kalakasan. nung kinausap ko po yung hiningan ko ng tulong noon, sya po ang kagawad na in charge sa peace and order, ay sinabi na hindi na daw po nya hawak dahil dapat daw po ay paghaharapin na kami. pero dahil sinabi ko na ok na at nanahimik na ay sinara na daw po ang reklamo ko at yung mas nakakataas sa kanya na ang kausapin ko.  

hindi ko na po alam kung saan pa po ako manghihingi ng tulong.  bukod po kasi sa pinakatapat ko, yung katabi ko (kaliwang bahay), katabi ng pinakaharap ko (half po ng bahay ay harapan ko din since mas maliit ang bahay nila kesa sa akin) at yung katabi nila (harap ng bahay ng katabi ko sa kanan) ay madagundong din po ang tugtog.  inireklamo ko na rin po sa barangay yung iba. kinausap na rin po ng taga barangay. pero bumalik pa rin po sa malakas na pagpapatugtog.  pinagawa po ako ng complaint letter ng barangay pero hanggang ngayon po, gaya ng HOA namin, ay wala pong aksyon.  tuloy tuloy pa rin po ang mga dagundong dito.

kahapon po ay madagundong na naman ang tugtog ng pinakatapat ko. 8:50-10:30 am po na tuloy tuloy na drumming sounds po ang naexperience ko. sobrang sakit po ng ulo sa mga panahong iyon.  yung isang tapat ko po every sunday po yan. usually before 7 am ang start tapos matatapos ng 11 am tapos minsan may repeat po sa hapon mga 1 pm to 6 pm.  minsan po malakas na rinig kahit 4 houses mula sa amin. minsan po ay sa amin lang rinig. pero madagundong po sa bahay ko.  

hindi na po ako lumalapit sa barangay or sa HOA dahil hindi po nila inaaksyunan ang reklamo ko. hindi ko po alam kung ayaw aksyunan ang reklamo ko dahil ako lang po ang nagrereklamo. pero sumasama po ang pakiramdam ko sa dagundong ng mga kapitbahay ko. nagpapalpitate po ako dahil sa dagundong at masakit po sa ulo talaga kasi continuous po yung drumming sounds.  para pong may nagmamartilyo sa ulo ko.

ano pa po ba ang pwede kong gawin? nagtanong po ako sa PAO at ang sabi po ay yung anti-nuisance law daw po ang problema ko.  kaya lang po ay hindi po ako qualified sa PAO.  pero wala naman po akong pambayad sa isang abogado.

kapag po ba hindi inaksyunan ng HOA at barangay, saan pa po ba ako pwedeng lumapit para matigil na po ang dagundong ng mga kapitbahay ko? all in all po, mga 3 years na po akong nagtitiis sa dagundong nila. iba't ibang kapitbahay po yun. naririndi na lang po ako ngayon kaya nagrereklamo na po ako.

sana po ay matulungan nyo po ako.

maraming salamat po.

2nuisance neighbors Empty Re: nuisance neighbors Wed Dec 21, 2016 2:07 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

Since katulad ng sabi mo na ikaw lang ang nagrereklamo at mas madami pa yung kapitbahay mo na nirereklamo mo, mukhang mahihirapan ka kumuha ng simpatya since kung silang mga nirereklamo mo ang mag sanib sanib para ikaw ang ireklamo, baka mas mapanigan pa sila since they have the advantage of number.

What I would suggest is to sound proof your house na lang since wala ka naman control sa hindi mo property o kaya kausapin mo ng mahinahon yung mga kapitbahay mo at humingi ng kompromiso.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum