Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

problema sa set back..

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1problema sa set back.. Empty problema sa set back.. Thu Dec 01, 2016 10:34 pm

sanmarino66


Arresto Menor

Hello po sa lahat..
Ang problema po na aking ihihingi ng payo ay problema po ng karamihan na house and lot owners sa mga maliliit na subdivisions..
Ito po ay tungkol sa national ordinance para sa mga residential, bldgs..etc, hindi po kasi ito popular na ordinance kaya marami sa mga house and lot owners at maging sa mga kontraktor n gumagawa ng bahay ang hindi nakakaalam sa ordinansa pong ito, Ito po ay ang pag set back sa front kapag nagpagawa ng bahay o kapag nagpa renovate..malalaman na lang po ito kapag kumuha ng bldg. permit, ang magpapagawa, Lalo na po ang mga nagloan sa pag ibig na isang requirement po ang nasabing bldg. permit na kinukuha sa munisipyo.
  Kami po ay nakakuha ng bahay na isang row house na 2 storey bldg. sa isang maliit na subd sa Cavite, nagparenovate po kami ng aming bahay sa pamamagitan ng house improvement loan sa Pag ibig, sa madaling sabi po ngpagawa kami ng plano sa engineer dahil yun po ang requirements sa proseso ng loan, ng isubmit na po naming sa bldg. permit sa munisipyo naglagay nga po sila ng remarks sa plano na mag set back ng 1.5 meters sa front ng house. Pinagkatiwala po namin sa kontraktor yung paggawa, basta niremind na lang po namin tungkol doon sa setback na 1.5 mtrs, ng matapos na po ang renovation, need po na humingi ng occupancy permit sa munisipyo, kaya ng mag inspect po ang engr na taga bldg. permit, nakita po na hindi nasunod ang setback sa front, kaya laking gulat po namin, ng sabihin na need daw po na tibagin yung harapan, sa amin po ay hindi naman po ganoon kadali gawin yun dahil malaking pera din po yun nagasta doon at loan pa na babayaran po ng ilang taon halos wala naman po kaming nakikitang violation kung titignan po ang sitwasyon ng bahay,maliit lang po ang lote namin, 36 sq mtrs lang po, saka hindi naman po sagad sa gilid may planters box pa nga po kami sa harapan, kung iikot nga po kayo sa mga subdivision dito sa Cavite halos karamihan ay hindi naman po alam o nasunod yung sinasabi nilang ordinance, kung baga kapag may kukuha lang ng permit saka lang nila sasabihan, kung baga po ay wala silang malawakang kampanya para maiparating sa mga tao yung ganong patakaran, Sa parte po namin ay honest mistake po yung nangyari, dahil masyado kaming nagtiwla sa gumawa, hindi naman po namin mahahabol din ang gumawa dahil small contractor lang po sila na umaasa din sa arawang kita,. Ang pinagtataka ko lang po bakit gumawa po sila ng ordinansa na ganon na ultimong ibang engineers o architect ay hindi alam ang ordinansang yun?, Isa pa po  ay ang tanging solusyon daw ay tibagin..Sa tulad po namin na isang pangkaraniwang mamamayan lang na naghangad ng isang maliit na bahay napakahirap pong gawin yun ganoong solusyon samantalang napakaraming malalaking establishment jan ang kitang kita ang violation ang hindi nila pagtuunan ng pansin. Isa pa po kapag di po kami nakakuha ng occupancy permit sa munisipyo,may retention fee po na 3% sa kabuuang loan ang Pag ibig, at yun po ay 30 working days lang ang palugit, kapag di po nasubmit ang occupancy permit sa kanila, forfeited na po yun, napakalaking pera po na mawawala sa niloan na pera. Kaya ang mangyayari po ay no choice po ang barrower kundi mamili kung patitibag o magreretain ng 3% sa pag ibig..Ito po ang katanungan ko..
1. Sa isa po bang national ordinance na tulad nga po ng nabanggit ko, pwede po bang kwestiyunin yun? sa dahilang sa mata po naman namin wala naman pong violation kung titignan po ang sitwasyon ng bahay ,hindi naman po nakakaistorbo sa kapitbahay o nakaharang sa daanan, malayo naman po sa gutter yun pinakaharapan, dahil may planters box pa nga po kami sa harapan bago ang gutter, maayos naman po ang hitsura na hindi naman nakakasama sa paningin ng tao yun bahay..etc etc.. kaya nga po marami din ang nagugulat sa ganoong ordinance.
2, HLURB po yta ang gumwa ng ganong ordinance na hindi man lang nag research ng maayos,.sa tingin ko po mas apektado ang maliliit na home owners dito, dahil maliit na nga po yung lote ,ay mag set back pa ng 1.5 meters sa harapan.sana po ay ginawa na lang nilang magkaron ng halaman sa harapan at wag isagad sa gutter yun pagpapagawa siguro mas okay po yun klarado po.
3. Sa tingin po ba ninyo, hayaan na lang po namin yung retention fee na batas ng pag ibig kaysa tibagin ng munisipyo yung harapan ng bahay po namin
4. Kung sakaling mangyari po na mag insist ang munisipyo na tibagin yun harapan ng bahay namin kahit hindi na po kami kumuha ng occupancy permit, may karapatan po ba kami na tumanggi ? sa dahilang hindi lang po kami ang may ganoong kaso, kundi napakarami po sa mga subdivision o maging sa labas ng subdivision ang may ganoon kaso na walang setback? kung baga napansin lang po kami dahil nag try po kaming kumuha ng occupancy permit sa kanila sa munisipyo?
5. Sa mga ganitong kaso po ba, imbes na tibagin ay maaari po bang I insist na lang namin na mag penalty na lang po kami sa kanila? dahil sayang lang po kung mapupunta lang po sa Pag ibig yun 3% ng loan namin?
6. Kung wala pong ibang option, ang tanging naiisip ko po ay tumanggi sa pagtibag nila sa bahay namin, kundi lahat ng bahay na hindi nag set back ay tibagin din nila, saka lang po ako papayag na gawin nila yun sa aming bahay, tama po ba ako ? ayoko lang po na ma single out lang kami..
Pasensiya na lang po sa napakahabang detalye po ng aking problema, naway, mabigyan po ninyo kami ng payo..Maraming salamat po..Godbless po sa ating lahat..

2problema sa set back.. Empty Re: problema sa set back.. Thu Jan 05, 2017 4:34 am

betchay001


Reclusion Perpetua

Hello po,

Ang setback po ay nakasaad sa Natinal Building Code. May minimum po iyan, and it varies as well sa iba't ibang lugar. Kung nasabihan kayo ng munisipyo and Hindi sumunod ang contractor, liable siya. Hindi kayo mabibigyan ng occupancy permit unless maayos po yan.

The retention fee is there for a reason, and di kayo mananalo because PagIbig's requirement is simple - an occupancy permit, which you cannot supply because your contractor violated an ordinance.

You cannot force others to follow the setback rule, di naman sila Yung nangangailangan ng occupancy permit.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum