*Magandang hapon po sa inyo,gusto ko lang po sana makahingi ng impormasyon at kaukulang hakbang sa kasong idudulog ko sa inyo,na kung makakahingi po ako ng tulong sa inyo ay npakalaking tulong po talaga.Ako po si Rosally Mararang 27yrs old po from Bulacan.Ang idudulog ko po ay tungkol sa nanay ko na nagkaroon ng anak kanyang kasintahan,ngunit ganito po ang nangyari,naging byuda po ang nanay ko sa edad na 29 at naiwan ng 6 na anak ng tatay ko,ako po ang panganay...Noong 2007 nakraoon po sya ng kasintahan at nabuntis po at nanganak ng 2008 sa isang batang lalaki,dahil po sa panggigigpit ng side ng tatay ko sa nanay ko...napilitan pong magtago ang nanay ko sa pagbubuntis nya at humingi ng tulong sa matalik nyang kaibigan.Sila po ng kinaksama nya ang nagkupkop sa nanay ko habang sya'y nag dadalang tao at sila din po ang tumulong at sumorporta samen habang nagtatago po ang nanay ko,pero lingid po sameng kaalaman na buntis ang nanay namen,kaya po sinasaktan at pinapaamin kame ng tyuhin ko tungkol sa totoong sitwasyon ng nanay ko.Yun po siguro ang dahilan ng nanay ko kaya nagpasya sya na itago samen ang pgbubuntis nya.Malampit na po syang manganak ng malaman ko po na buntis sya...nakausap ko po sya sa phone ng pumunta ang matalik nyang kaibigan sa bahay at umamin na po sya,at nanghihingi po sya ng pasensya samen,nakakausap lang po namen sya pag pupunta ang kaibigan nya sa bahay.July 30 ,2008 po nanganak po sya sa isang batang lalaki pero hindi po namen sya nakita or nakausap po.Isang linggo po pgkatapos nyang manganak,umuwi po sya sa bahay at tulala,ang nangyare daw po ay pinaiwan ang anak nya ng kaibigan nya.Kinausap ko po sila sa telepono,sinabi ko po na gusto nameng makuha nag bata sa knila pero ang sabi po nila is bayaran daw po namen ang lahat ng ginastos nila sa bata,at ako po ay pumayag sa ganong sabi nila 20,000 pesos daw po,subalit kinabukasan ay tumawag po sila saken na hindi na daw po nila maibabalik ang bata dahil mapapahiya na daw po sila dahil alam daw sa opisina ng kinakasama nya na nanganak daw po sya.Halos mababaliw baliw po ang nanay ko dahil sa pag aalala samen ,kahirapan ng buhay at dahil na din po sa bagong panganak ay nkaranas ng post partum syndrome.Tinanong ko po ng masinsinan ang nanay ko sa totong naging kasunduan nila ng bestfriend nya,Wala naman daw po syang pinirmahan na kahit anong kasulatan o kasunduan tungkol sa bata,pero noong isilang daw po nya ang bata at hinatid ng midwife ang birth certificate ay pinaiwan daw po ng kaibigan nya at pagkatapos ay mga pangalan nila ang nilagay nila sa mga magulang.At ang sabi pa po nila ay darating ang panahon na mismo daw po ang bata ang hahanap sa nanay ko.Sa edad ko po dati hindi ko pa po lubos na naunawaan ang lahat,malaki po ang pagsisisi ko dahil hindi ako naging malakas ng mga oras na un.May magiging laban po ba kame ng laban na makuha pa po sya?Sana po'y matulungan nyo kame.Salamat po at Godbless POA.
Umaasa,
Rosally Mararang