Magndang hapon po,
Sana mapayuhan nyo po ako sa problema ko…
Isang taon na po kami ng asawa ko nung June 25, 2014, kami po ay kasal at may isang anak po kami 7 months baby girl... July 7,2014 nung kami po ay umuwi sa province ng asawa ko dito sa Mindanao upang dun kami manirahan, naging mahirap po ang aking naging buhay doon sa province ng asawa ko , sa bahay po ng parents nya kami tumira unang buwan ko pa lamang dun ay nagkaron po kami ng di pagkakaunawaan ng ate nya dahil sa pakikialam ng ate ng asawa ko ng mga personal kong mga gamit ,nagkasakit po ako at namayat ng sobra, pero sa kabila ng kalagayan ko hindi po ako nag sabi sa parents ko tungkol sa aking kalagayan..Marami po akong naging problem dun..
oct. 24 ,2014 ngpunta po ang parents ko dto sa Mindanao para umaten sa church anniversary dun sa lugar ng tito ko na Pastor dito sa Mapulog at para pasyalan na din kami dito pa sa Lanao, nagmeet po kami ng parents ko nung oct.25, at nkita ng parents ko ang kalagayan ko na namayat ng sobra kaya nagpasya ang parents ko na ipacheck up ako dto sa cagayan, Papa at kapatid ng tito ko lng po ang nkasama ko sa pag punta sa doctor dahil ayaw po ako na samahan ng asawa ko, Nadiagnose po ako na my toxic goiter, sabi po ng doctor na nakuha ko po iyon sa stress at pagod , at sa gamot sa mangga ,pag iispray po kasi ng mangga ang work ng asawa ko doon. Kailangan ko daw po na dalhin sa manila, para doon po ipagpatuloy ang aking gamutan kasi mas magiging maayos po ang aking kalagayan dito sa manila at para din na masuportahan ako ng parents ko sa pagpapagamot kasi hindi po ako kaya na ipagamot ng asawa ko. , tumanggi po ang asawa ko na sumama akin sa pgpunta sa manila at ayaw po nya na makasama ko ang baby namin na 7 months lamang.. para hindi daw po ako makaalis sabi ng asawa ko sa akin at sya po ay nagagalit sa akin.
At isang beses po noong nagsabi ang parents ko sa asawa ko na ipasyal kami nung pgkatapos ng church anniv.(dito din sa lugar ng asawa ko) kasi matagal din n hindi kami ngkita ng parents ko ..at tumanggi ang asawa ko at sya ay nagalit ayaw nya na mkabonding ko ang parents ko, ipinagdamot din nya sa parents ko ang anak namin, kaya hindi nalang po kami namasyal ng parents ko,
Sa ngayon po, nandito po ako sa manila(oct.31,2014 nung umuwi po ako dito sa manila) sa pangangalaga ng parents ko , hindi ko po nkasama ang baby ko dahil ayaw ng asawa ko, pinagdamot nya po sa amin, lalo na po sa akin.. Nangungulila po ako sa baby ko..Hindi ko po alam ang aking gagawin gusto ko po mkasama ang aking anak.. sana matulungan nyo po ako sa problema ko… thank you po..