Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ATM Lending turn to estafa

Go down  Message [Page 1 of 1]

1ATM Lending turn to estafa Empty ATM Lending turn to estafa Tue Sep 27, 2016 5:43 pm

inchet11


Arresto Menor

Magandang buhay!
Hello po sa kanila, newly lang po ako dito. Nais ko po sana humingi advice. Tungkol po ito sa kuya ko.
Ang kuya ko po ay nag sangla ng atm 2014, sinamahan sya ng katrabaho nya dun sa nag papautang, actually 2nd transaction na ito. Dito napag alaman ko ng walang naging usapan kung ilang mos babayaran kung ilang percent ang tubo at walang dokumento tulad ng voucher na nareceive ng kuya ang pera, verbal lang.

Eto yung panahon din na mejo gipit kami, ngkasakit ang mother ko, lung cancer. Dumating sa punto na kinaylangan naming ng p500 every day pang refill ng oxygen ng nanay. Dito lumaki ang utang ng kuya dhil my time na nag ccash advance sya.. hanggang sa hindi na sya binigyan.. Nabanggit din ng kuya na kaya din sya nakaka pag cash advance dhil maliit na lang natitira sa sinahod minsan p800, p500 o kaya naman wala . Dahil pag pala nag cash advance sya ng 1000 kinakaltas agad yun sa sahod plus p50 na tubo nung tinuos ko lumalabas na 20% ang int per month o 5% per week.. Ang sahod pala ng kuya ay weekly every thursday, regular employee.

Naki usap ang kuya sa nag pautang na baka pede ang isang bwan ay sa knya muna ang sahod at patubuan na lang nya, hindi pumayag yung nag papautang na wala syang makukuha na  hulog. Kaya naki usap na lang ang kuya na baka pede 50:50 muna ang hatian sa sahod, pumayag naman ang nag pautang pero nung araw na ng sahod naging 80:20 ang hatian.. Pinuntahan ng kuya sa bahay yung nag papautang para MULI maki usap pero pag pupunta sya dun ang laging sinasabi ng katiwala wala, may time na buong mahapon mag aantay kuya hindi sya nilalabas..

Dumating sa punto na nakagawa ng maling hakbang ang kuya ko, dahil laging wala natitira sa sahod nya at hindi sya kinakausap nung nag papautang nagawa nyang ipa block ang atm nya at ng request ng bagong atm. Nung malaman ng nagpapautang na de activated ang hawak  nyang atm nagalit sya sa kuya ko, hindi daw matinong kausap ang kuya humingi naman ng pasensya ang kuya na kaya lang nagawa nya yun ay dahil pag pumupunta sya hindi sya nilalabas..

Nirequest  ng ngpapautang ng PDC ang kuya, binigyan sya ng 5k pang open account yun na rin mismo ang ipapautang nya kay kuya, si kuya dahil need ang pera kinagat nya yun pinapunta sya sa PSBank at dun sya pinaopen ng account. After maka pag open Humingi yung nagpapautang ng 6 na blank check na pirmado ng kuya pati sa likod ang sabi sya na lang daw ang maglalagay ng amount. Ilang days lang inin encash ni kuya ang 5k so automatically mag cclose ang account yun dahil iyon din ipina utang sa kanya.  Tinanong ko ang kuya ko kung pano sya nag open sa PSBank kung sya ba ay my existing account na sa PSbank, ang sabi nya wala sya account dun maliban sa checking account na inopen nya. Nagtaka ako kasi as per bank practices kasi hindi ka kaagad makaka open ng checking account kung hindi ka nila depositor ng 6 or more than. Ang sabi nya nung pumunta sya ng bangko at sinabi nya na mag oopen sya ng account may nagsalita dun na taga bank na “ay ki ano yan ( name nung nag papautang)” tapos binigyan sya ng form then tinuro na lang yung dapat fill upan wala ng briefing regarding sa reposibilty ng my checking account.

Ngayon sinampahan ang kuya ko ng stafa, nagkaron na ding hearing, may ilang hearing na hindi naatenan ng kuya kaya nung Aug 25 dinampot sya ng pulis, nung magpunta ako sa hall of justice napagalaman ko na kinabukasan pa yung last day ng notice.

Ngayon po nakikipag negotiate kami na kung payag ang kabilang panig na principal na lang ang babayaran wala ng interest, kaso po ayaw po pumayag ng kabilang panig ang gusto po idagdag yung mga atty’s fee na nagastos nila.

Ano po ba ang pede naming gawin kasi po sa aking kalkula malaki na din ang nahuhulog ng kapatid ko. Sana po mabigyan nila ako ng payo.

Maraming pong salamat.
Inchet

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum