Gusto ko po sanang itanong kung ano ang pwedeng gawin dahil ung kinuha ko pong bahay nuong 2012 ay ntpos kong byaran ung equity nuong taong 2013. Pinagbayad nila ako ng para sa transfer of title na gagamitin para sa pagprocess ng Pag-ibig loan pti nren ang ang halaga na matitira dahil ang halaga ng bahay ay 980k ngunit ang mailoan lang ay 750k. Anumang halaga ang maiwan ay sinama nila sa computation ng huhulugan ko pra sa titulo. Nung malaki na ang naihulog ko at nagfollow up ako kng naipasa o naiproseso na po sa PAG-IBIG ang dami po nilang dahilan na iupdate pa ang tax ng lupa. Hanggang sa dumating ang araw na kinausap nila ako at sinabing ililipat na lamang nila sa in House loan. Kinumbinsi nila ako para sa in house sapagkat ipinantay nila ang hulog katulad ng sa PAG-IBIG. Pumayag po kami para mapabilis ng makuha ang bahay ang kailangan na lamang ay mabayaran ko ang movein fee na worth 25k. Sa ngaun nabayaran ko na ang move in fee pero sinabi nila sa aken na ibabalik na nila ang pagloan sa pag-ibig. Ngunit hindi pa ako makakalipat dahil sa kailangan ng meralco connection na mtagal daw ang proseso. nakisuyo ako na kung maari ay mkalipat khit naka submeter pansamantala at pumayag nmn sila. Usapan namen na mkuha ang bahay ngaun November, pero ang bawat follow up ko sknila ay di nila sinasagot. Anu po bang maari naming gawin pra mapabilis ang pagturn -over nila ng bahay sa amin?
sana po mtulungan nio ako.
salamat po..