Hi! I am an OFW for almost 6 years na po and it was only last year when I was able to save enough money para mo makakuha ng disenteng bahay para sa aking family. Last March of 2014 nang ma-turn over po yung bahay sa amin. Subdivision po ito near Paseo de sta Rosa. Simula pa lang po marami na pong defects yung bahay from electrical outlets na hindi gumagana, shower na hindi po naka-fix ng maigi na muntik na po mahulugan yung 7 year old nephew ko sa ulo, to sewer na nangangamoy dahil hindi po maayos yung pagkakaseal to leaking sinks po and clogged toilets.Yung family ko po sa Pinas pinagpasensyahan po yung mga defects na yun and pinaayos na lang po ulit sa developer. Sinabihan nga po ako ng parents ko na bago ba talaga yung bahay? Bakit ang daming sira? Alam po ng developer na OFW po yung may-ari ng bahay and hindi po nakakadalaw yung parents ko kase malayo po yun sa bahay na nirerentahan po namin dati. So ang hinala ko po is since wala po nagbabatay, hindi po inayos ng contractor yung pag-gawa. Last July po nang dumating ang bagyong Glenda. Tatamaan po ang Laguna based po sa news sa TFC. Kampante naman po ako na safe family ko dahil bago po yung bahay. I just called them and asked them po to stock ng supplies po ng food. I received an emergency message po during kasagsagan po ng glenda telling me na nag collapse po yung kisame and natanggal po yung bubong. My sister is asking me to tell the developer evacuate yung 80 year old na dad ko and yung few days old po na pamangkin namin. Para po akong pinagsukluban ng langit at lupa trying to understand paano nangyari na ang bagong bahay namin ay nag collapse ang bubong? Tinawagan ko po yung engineer na gumawa ng bahay at nag ask po ako if pwede po magpadala ng someone to look at it urgently pero nauwi po yung usapan po namin na mas galit pa yung engineer sa akin dahil minamadali ko sila. i told him mag cocomplain ako and he even challenged me na cge daw po mag complain ako then binabaan nya na po ako ng telepono while im still talking.nag email po ako sa developer na baka pwede ma-evacuate yung family ko lalo na po my dad and niece.After po nun nawalan na po ng power supply sa Laguna and Manila for few days. I was left po hanging. I did not know ano na po nangyari sa family ko. I was worried sick, dasal na lang po ako ng dasal na sana ma-protect po yung family ko from any danger.. After few days i heard from my family and they told me po na yung materials po na ginamit ng contractor ay sobrang ninipis. Yung mga nakuha po nila na fallen materials from bubong can be bent using your bare hands. Yung mga kapitbahay po namin sobrang awang awa po sa family ko. Yung mga karpintero po under a different engineer nagsabi po mismo na hindi po winelding yung bubong namin. Nag file na po ako ng formal complaint sa developer last July 21st. Nag demand po ako na itransfer yung family ko sa Ready For Occupancy na house. Kaya lang po wala pa reply sa kanila. Ilang beses na po ako nag ooverseas call every 3 days for 3 weeks following up pero lagi lang po sagot is nasa legal na daw po nila. Ang sinasabi po ng developer is Force Majeure daw po kaya lang dapat po lahat ng houses na katabi po ng house namin dapat nadamaged but then na-single out po yung bahay namin. So we are sure po na hindi maayos yung pagkakagawa po nun. Now po nilipat temporarily yung family ko sa model house kase unfit for dwelling na po yung bahay namin kaya lang po walang water connection duon: nag iigib po yung daddy ko sa lumang bahay and that is strenuous for an 80 year old. Yung model house po yung hinihingi ko na kapalit sa nasira po naming bahay. Kase no choice na din po kami. Yun lang ang ready for occupancy. Sabi po nila may price difference daw po na 800k kase mas malaki. I told them im not taking advantage of the situation, i am willing to increase my amortization po but they have to give us a discount. I asked din po na since wala pa sila decision baka pwede pakabitan nila ng water yung model house para hindi naman po masyadong inconvenient sa family ko po.Till now wala pa din pong reply and lagi lang po sagot is nasa management na. Paano ko po kaya ma-eexpedite ito? Gusto ko po sana na ma-expose po itong practice nila na ito kase ang dami pong OFW na nagpupursigeng mag work na malayo sa family para lang po makaprovide ng needs ng family. unang goal po ng mga OFW is makabili po ng bahay para sa pamilya nila but then there are developers/ contractors out there na nanloloko ng kapwa Filipino para lang kumita. Ask ko lang po sama if there's a lawyer po here na pwede po tumulong sa akin about this. i need a lawyer po who can help me na padalhan po sila ng demand letter telling them to act urgently. I just want to be fairly compensated and at the same time warn the developer not to do this again to their other clients. They are actively selling their house and lots and im sure marami pong OFWs ang naghahanap ng bahay and pwede nila mabiktima. Hope someone can help us po on this situation that me and my family are in. Thank you po for reading my email. God bless, more power.