Una po sa lahat, I'm glad na may ganito palang site that really helps a lot of Filipinos! Kudos to the one who created this!!!:-)
So here's my scenario..
My name is Belle (nickname) and I am 24 y/o that was born and lives in the Philippines. Anak po ako ng isang Retired US Air force Military, pero hindi nia alam na may anak sya dito sa Pilipinas not until mahanap ko sya when i was 22 y/o. Kung di ako nagkakamali, ang first communication namin is June 16, 2015 nung ngreply sya sa snail mail ko through email. He was here in the Philippines in 1991. Nung pinaalis ang mga Amerikano because of Mt. Pinatubo eruption, hindi alam ng mama ko na buntis sya kaya hindi nya nasabi sa daddy ko. Biglaan ang alis nila kaya hindi nakapag iwan ng kahit anong address or contact no. ang daddy ko.. so wala po silang communication at mula non hindi na alam ng mama ko kung nasan ang Daddy ko. Syempre po, nagkaasawa ng Filipino ang mama ko. Sa LCR birth certificate ko po ay step father ko ang nakalagay na father ko, so mula pagkabata ko po ay dala dala ko po ang pangalan ng stepfather ko. Nung kumuha na po ako ng NSO birth cert. nakita ko po at noon lang din nmin nalaman na apelyido ng nanay ko ang nakalagay na apelyido ko at unknown ang father ko. so because i have to take board exam for social worker, inayos ko po iyon para lumabas sa NSO Birth cert. ko na dala kona ang pangalan ng step dad ko, in short (d ko po alam kung tama ako), simulated ang birthcert. ko. Note po na hindi ko pa kilala or wala pa akong communication sa biological father kong Amerikano. Ngayon po na nakilala ko na sya, we are planning na magclaim po ako ng dual citizenship kaso po wala akong maipakita na legal docs na legitimate daughter ako ng biological father ko kasi po sa NSO ko eh name ng stepfather ko ang dinadala ko.. pano po kaya ang pwede kong gawin para maayos ang problema kong ito..
salamat and God bless po in advance!!