Nais ko lamang pong sumangguni sa inyo sapagkat nahihirapan na po ako intindihin kung ano ba talaga ang citizenship status ko. Pinanganak po kasi ako sa Pilipinas, ang nanay ko po ay Filipino habang ang tatay ko naman po ay Amerikano. Mayroon po ako ngayong American Passport.
Kumuha po ako last week ng Filipino passport at hinanapan po nila ako ng Certificate of Naturalization, Oath of Allegiance pati po ID na galing sa Bureau of Immigration at iba iba pa pong papeles na pang Dual Citizenship po. Ang intindi ko po sa mga pinapakuha nilang papel ay kailngan lng ng mga foreign citizens na naging pinoy. Ang buong akala ko po kasi ay automatic na Dual Citizen na ako ng US at Pilipinas at hindi ko na kailangan pang magapply ng Filipino Citizenship dahil dito naman ako pinanganak at Filipino ang nanay ko. Isa pa po ay hindi pa naman po ako naalis ng bansa. Jus sanguinis po yata ang tawag po sa citizenship dahil po sa magulang.
Ang tanong ko po ay kailangan ko po ba talagang mag ayos ng papeles na mga ito para makakuha ng Philippine passport? Kung hindi naman po ano po kaya ang maganda ko pong sabihin sa DFA po para hindi na nila ako hanapan ng mga karagdagan papeles? salamat po! more power!