Need advise po. Nag patayo po kami ng bahay June 2006 (130sqm for 1 million) na ni loan naming sa Pag Ibig, lahat po ng Pag Ibig Requirements ay ang Engineer na kinutrata namin na at the same time nag tratrabaho sa Engineering Dept. sa Munisipyo ang nag provide.
Siya din lahat ang bumili ng mga materials, then natirahan po namin ang bahay nuong March 2007, after less than a year nag karuon ng mga crack sa luob at labas, verbal kinausap ko ang Contractor na Engineer para ayusin pero parate lang nangangakong pupuntahan until now wala pa ring action. Lumalakad ang panahon dumadami ang cracks at nag sisilaki. Sa aming pinirmahang contrata na pirmado din po ng Municipal Engineer ay walang pong warranty na binabangit.
Nakasaad po sa Gen. Condition ay:
"The work contemplation in this specification shall be furnishing of all necessary supplies, materials, equipment, labor and supervision and all shall be paid by the owner. All parts of the construction shall be finished with first class workmanship to the fullest talent and meaning of the plans and specification and to the entire satisfaction of the Engineer and the owner."
Ano po ba ang action na dapat naming gawin para ma assure ang safety ng family ko. Sabi kasi ng Civil Engineer na nag spot check eh responsibility daw ng Engineer na gumawa ang safety naming at pag papaayus ng defects, Tama po ba?. Ano po ba ang dapat naming gawing action.
Marami pong salamat sa time and God bless…
Last edited by Albert Corre on Mon Jan 24, 2011 12:13 pm; edited 3 times in total (Reason for editing : Spelling Correction)