Plano po namin mag send ng Demand Letter sa Contractor po ng bahay na pinapagawa namin as per contract 240 days ang completion. Unfortunately, 56% palang ang construction and 2weeks from now ang expiration ng contract. Since naka bank loan sya nag incur ng interest or penalty and kapag mabagal ang construction mas malaki ang interest or palaki ng palaki. Bale nakapagbigay napo kami ng 30% DP at 2 release totaling to 3.3M more or less so wala syang dahilan pra madelay ang construction since bayad na namin ang more than 50% ng contract w/c is 5.2M ang total. Ang suspetsa namin ginamit nya sa ibang projecy nya ang pera namin tapos halos pautay utay nalang ang gawa at napakabagal sa bahay ko dahil malamang gipit na sya sa capital although ayaw nya aminin at kami pa sinisi dahil loan daw ung pagawa namin. Ano po ba magandang ilagay sa Demand letter na ipapagawa namin aside from gusto ko na bayaran nya lahat ng interest sa bank dahil sa tagal mag release ng bank dahil nga sa bagal ng construction.Pwede din po ba ilagay sa demand letter na kami na bibili ng mga construction materials instead na sya dhil baka gamitin na naman nya sa iba ang pera? Or pede po ba na iterminate namin ang contract sa contractor at sa iba nalang kami magpagawa dahil wala napo kaming tiwala ang dilema lang po is malamang mas malaki pa ung naibigay namin na cash sa kanya kumpara sa nagawa na o nagastos nya sa constrution which is lugi ako. Ang isa pa pong kinakagalit ko is ayaw na nya humarap samin para mapag usapan man lang ano magangdang gawin puro sya alibi at madalas hindi mag reply sa text namin madalas mga engineers nya pinapaharap sa amin nakakainsulto napo at pambabastos napo ginagawa sa amin at napakayabang po nya balak po namin ilapit kay Tulfo itong problema namin sakaling magmatigas pa sya at hind nya kami harapin at balewalain nya ang demand letter...
And how much po ba magpagawa ng Demand Letter?
Please advice po mga Atty. and thanks in advance...