sana matalungunan ninyo ako sa problem ko..i really need legal advice right now.
matagal na kaming nakatira sa bahay ng lolo ko at namatay siya noong march 2016. nagkaroon ang lolo ko ng dalawang kabit ,yung lola ko na unang asawa at kasal sa lolo ko ay namatay na rin noong december 2013 at may anim silang anak (isa ang tatay ko dun). sa tinitirhan naming bahay ngayon, nalaman namin na nakapangalan ang lupa sa lolo ko at sa unang kabit niya. matagal na silang di nagsasama ng unang kabit at nakatira na ito sa probinsya. May dalawang anak ito sa unang kabit na naninirahan na rin sa probinsya. Umuuwi lang dito sa bahay ang mga anak tuwing bakasyon.
ano ang pwede naming gawin bilang kami ang nakatira ngayon dito sa bahay ng lolo ko?
may karapatan ba silang paalisin kami?
magkakaroon ba ng hatian ng lupa? sino-sino ang maghahati?ilang percent ang magiging hatian?
ano ang mga legal documents na kailangang ayusin para mailipat sa name ng tatay ko ung ibang part ng lupa? ganun n rin sa ibang mga kapatid.
maraming salamat...sana matulungan niyo po ako.
i need a reply for this matter...salamat po sa malasakit.