25 taon na po kami nakatira sa lupa ng kaibigan ng magulang ko, ang dahilan ng pagtira namin dito ay dahil na rin sa alok ng may ari na tumira kami doon at magtayo ng bahay at magtanim na rin dahil kapalit ng pagbabantay namin sa lupa nya, sa makatuwid naging care taker kami sa lood ng 25 taon. Dahil halos magkapatid na ang turing nila sa may ari, pumayag ang magulang ko na tumira doon at para maka pagpatayo kami ng bahay, ibinenta namin ang lupa namin sa di kalyuan sa tinitirhan namin ngayon para pambili ng materyales. nangako din ang may ari na ibibigay nya ang lupa n kinatitirikan ng bahay namin, sa katanuyan sinuakt ito at nilagyan ng palatandaan
ito lang Linggo, pumunta ang may ari at sinabihan kami na umalis na daw kami dahil ibebent na nya ang lupa pati yung kinatitirikan ng bahay namin.
anf tanong ko po,
1. pwede po ba kami mapapaalis ng ganun ganun na lang ni walang advance notice?
2. may karapatan po ba kami magpabayad ng halaga ng bahay namin para may magamit kami pangpatayo ng bagong bahay
3. Ano ang legal na habol namin sa ginawa ng may ari sa amin?
salamat.
My concern