Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Seeking legal advise about land property

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Seeking legal advise about land property Empty Seeking legal advise about land property Sun Jun 17, 2018 9:29 pm

leeyohni


Arresto Menor

Humihingi po ako ng advise tungkol sa lupang nabili ng aking mga magulang. Ang nasabing lupa ay nabili po sa isang Rural Bank. Ito ay fully paid na, nag-issue na ng deed of sale ang bangko, naibigay na sa magulang ko ang titulo, nagpatayo kami ng bahay sa lupang iyon, at dito kami kasalukuyang nakatira, ngunit hindi pa naipapalipat sa pangalan ng parents ko yung titulo. Napag-alaman po namin na ang may tagapagmana ng dating kaparte ng lupa na naghahabol sa karapatan sa lupa. Ang lupa po na hinahabol nila ay katabi ng aming lote. Dati pong magkasama sa mother title ang lupa nila at lupa namin. Ang dating may-ari ng dalwang lupa ay magkapatid (pangalanan nating si Pedro at si Jose). Bago binili ng magulang ko ang lupa, pinacheck muna ito sa Registree of Deeds, malinis daw ang title. Kinasuhan ni Pedro si Jose, dahil daw ang buong 2 lote ay nakapangalan kay Jose lamang sa titulo, at isinanla ni Jose ang 2 lote. Hindi nabayaran ni Jose ang kanyang utang, naelit ang lupa at nabili ito ng Rural Bank na napagbilhan namin ng lupa. Ang lupang nabili namin ay ang kaparte ni Jose. Ang lupang kaparte ni Pedro ay nabili ng iba. Nanalo ang bangko sa kasuhan dahil may pirma si Pedro sa papeles tungkol sa sanglaan. Makalipas ang ilang taon, nagsarado ang Rural Bank dahil nabangkarote ito, napalipat sa pangangalaga ng PDIC ang pagaasikaso ng properties at mga papeles ng bangko. Nag-file ng appeal sa court of appeals ang mga tagapagmana ni Pedro, at dun na sila nanalo sa kaso, natalo ang PDIC. Nagkaroon ng court order na dapat hatiin sa 2 equally parts ang 2 lote. Ikakansela ang mother title na nkapangalan kay Jose, at napawalang bisa ang sanglaan, dahil sa panloloko ni Jose. Hindi lang po iyon ang problema. Kasama sa 2 lote ang brgy road, at ang kalsada daw na ito ay ibinenta na noon ni Jose sa munisipyo, pero kasama pa din ang kalsada sa titulo. Nang maghahatian na sa lupa, iginiit ng mga tagapagmana ni Pedro na ibawas sa kabuuang sukat ang kalsada sa tapat ng lupa nila at lupa namin, isasama ang sukat ng kalsada sa aming parte, at kukuha sila sa lupa na nasasakupan namin para makumpleto ang half part nila sa lupa. Hindi po kami pumayag dahil equally devided dapat ayon sa court order, dapat hati din kami sa kalsada. Hindi po sila pumayag at hinarass kami. Pinutulan pa kami ng tubig at kuryente ng walang pahintulot namin. Kahit po ang water distric at electric company, kinilingan kami. Nagsumbong po kami sa baranggay at pulis pero di po kami tinulungan dahil balwarte nila iyon. Matagal na sila sa lugar namin at madami sila koneksyon. Natakot po kami sa mga pagbabanta nila kaya pumayag na lang kami sa gusto nila para wala ng gulo. Nagpasurvey po kami ng lupa para mkapagpaaprove ng bagong titulo.
TANONG:
1.Mapapalipat po ba sa pangalan ng magulang ko ang bagong titulo? Ano po ang tamang proseso para mangyari ito?
2. Naloko po kami sa bilihan, nakaindicate pa din sa titulo ang kalsada kahit naibenta na ito, naapektohan pa kami sa kasuhan ng bangko at tagapagmana ni Pedro. Sino po ang dapat managot sa nangyari sa amin?
3. May karapatan pa ba ang magulang ko sa lupang kanilang nabili sa bangko? Kahit nakansela ang sangla ng dating mayari sa lupa?

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum