Hihingi po ulit ako ng advice. Ako po ay isang taon na nagtrabaho sa isang recruitment agency (Feb 10, 2015 - April 22, 2016). Na-suspinde po ako noong March 22 dahil sa hindi po ako nakapasok ng isang araw dahil sa pagkakasakit.. Nawalan daw po ng 400,000 ang kumpanya sa hindi ko pagpasok, at negligence of duty daw po iyon. makalipas ang isang buwan (April 22, 2016), ako po ay na-terminate.
Binigay po sa akin ng company ang mga benepisyo gaya ng tax refund, 13th month, cash bond at salary ngunit walang back pay/separation pay.
Nanggaling na po ako sa NLRC at naka-schedule po kaming magharap sa june 10.
Tanong ko lang po, maaary ko po ba silang kasuhan ng illegal dismissal? May laban po ba ako? Ano po ang dapat kong kamuha sa kanila bukod sa separation pay?
salamat po.