Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Custody of illegitimate child

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Custody of illegitimate child Empty Custody of illegitimate child Fri Feb 19, 2016 1:10 am

carlamargarette


Arresto Menor

Isa po akong OFW meron po akong 10 taong gulang na anak na lalake, pitong buwan pa lang po siya ng iwanan ko sa pangangalaga ng aking ina upang maghanap-buhay upang makatulong sa aking pamilya at matustusan at magkaroon ng magandang buhay ang aking anak. Hindi po ako kasal sa ama ng aking anak. Mga ilang buwan pa lang po ako nakaka-alis ng pilipinas nahuli po ng aking ina ang ama ng aking anak na nakikipag-talik sa aming kasambahay habang natutulog ang aking anak sa tabi nila hangang sa pina-barangay pa ng aking ina ang ama ng anak ko pero muling tingap ng aking ina ang ama ng anak ko sa takot na kunin niya ang bata at hindi pina-alam agad may dalawang taon muna bago ko nalaman mula sa isang kaibigan. Ayaw kong lumaki ang anak ko ng walang kikilalaning ama kaya kahit nakipag-hiwalay na ako sa bahay parin namin sya tumutuloy habang nagtratrabaho ako sa ibang bansa. Noong isang taon ko lang din nalaman na nagpakasal na pala ang ama ng anak ko sa kasintahan nyang nagtatabaho rin sa ibang bansa pitong taon na nakakalipas pero sa bahay parin namin siya nanunuluyan nalaman ko lang na kasal na pala siya ng minsan sinubukan magsaliksik ng asawa niya tungkol sa anak namin dahil hindi rin pala alam ng asawa niya na may anak siya. Ng minsan nagbakasyon ako ng pilipinas kinausap ko ulit sya at pumayag parin akong manirahan siya sa bahay namin para sa anak namin pero ang kasunduan namin tuwing magbabakasyon ako eh aalis sya ng bahay namin. Ng mga nakaraang buwan lang eh sinaktan niya ang ulila kong pinsan buo na kinukupkop namin at duon na ako nagalit dahil sa kabila ng pang-loloko niya ng paulit-ulit at pag-iintindi namin eh sya pa ang may ganang manakit ng kamag-anak ko. Pinalayas ko na siya ng bahay namin at sinabihan ko na siya na bawal na siyang tumung-tong sa loob ng pamamahay namin. pina-barangay ko na rin siya pero ang masakit kinakampihan pa siya ngayon ng aking ina. Madali niyang mabola ang aking ina dahil ito ay may sakit na at matanda na. Hanggang sa ngayon kami ang mag-away ng aking ina.

Gusto ko po sanang humingi ng payo, gusto ko sanang hindi na makalapit ang ama ng anak ko sa mga bahay namin at sa buong pamilya ko at gusto ko rin po sanang makuha ang custody ng aking anak. Dala po ng anak ko ang apilido niya at malapit din po ang aking anak sa kanya dahil siya po ang kasama sa loob ng 10 taon.

2Custody of illegitimate child Empty Re: Custody of illegitimate child Mon Feb 22, 2016 5:38 pm

marlo


Reclusion Perpetua


Ikaw ay may karapatang angkinin ang pangangalaga ng bata dahil hindi ka ikinasal sa ama ng bata.

Kumuha ka ng abogado para mailaban ang nais mong mangyari sa korte.

3Custody of illegitimate child Empty Re: Custody of illegitimate child Fri Feb 26, 2016 9:35 am

Carlmag


Arresto Menor

If the child is born outside marriage,you as the mother has sole parental authority of your child. If you want to sort to legal action to prohibit the presence of the biological father you may present your case at the PUBLIC ATTY's OFFICE to assist you. There are no fees whatsoever. God bless

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum