Hello, Atty. Good day po! Tanong ko lang ko po kung apart from compensation na pwedeng makuha sa SSS, may pananagutan ba or may dapat pa ba kaming makuha from the employer. Ganito po kasi ang nangyari..Ang brother ko po ay nagsimulang magtrabaho bilang maintenance ng isang magbubukas pa lang na bar noong Dec. 28, 2015. Noong January 5, 2016, nahulog siya habang nagtatatrabaho, at Dead on Arrival sa Hospital. Ano po ba ang pwede naming makuha sa employer lalo na at may tatlong menor de edad na anak at walang trabaho ang kanyang asawa. At kung ayaw po nilang makigpag-ayos, maari ba kaming magsampa ng kaso? At kung oo, ano po naman ito? Salamat ng marami po.