Magandang araw po.
Magtanong lang po ako tungkol sa right of way. Ang property po namin ay may bakod na pinagawa pa ng aking lola. Yung property na bingyan ng right of way ay naglagay ng gate sa dulo ng eskinita, nagbubong dahil sa puno ng buko ng walang paalam at nadamage ang aming adobeng bakod. Nang pinatungan po nila ng 2 patong na hollow blocks ang aming adobeng pader ay wala silang narinig. Nang maglagay sila ng bubong mga ilang taon na po ang nakakaraan at madamage ang bakod namin sa mga bakal na nilagay nila ay wala silang narinig (Kailan ko lang po nakita ang damage ng magpataas po ako ng pader).
Nagplano po ako na gawin itong GARAHE na may BUBONG kaya pinataasan ko po ang bakod namin, nilagyan ng poste para maging matibay at hindi bumagsak at makadisgrasya kung gumuho ang pader. Magpapatambak po kami ng lupa para tumaas dahil lubog na po kami sa kalsada na in-upgrade na ng DPWH. Nagagalit po ang may-ari ng property na binigyan ng right of way at di daw namin dapat taasan ang pader at isusumbong daw kami sa munisipyo. Hindi daw po kami dapat maglagay ng kwarto. Ibig po bang sabihin noon ay hahayaan ko na lang na maiwan kami ng kalsada at laging malubog sa baha tuwing tag-ulan? Tama po ba ang sinasabi niya samantalang yung nasa kabila naman ay nagtayo ng bahay na me 2nd floor na konkreto. Pls help me po kung ano ang depensa ko at ano ang dapat ko pong gawin.
Salamat po.