September 1, 2015 po naka set na na leave ako. Nagkataon na may dalawa na nag sick leave sa amin. Nung September 2, pinagalitan kami na madaming absent. Pag dating ng September 3, may nag sick leave nanaman na iba. Nung September 4 naman, ako ang naka sick leave. Dito ko na nalaman na pina terminate ako.
Nung pag dating ko ng opisina ng September 7, kinausap ako ng isa sa management at pinapapili ako kung termination or mag resign ako. May linya pa sya na mas ok tingnan sa papel na nagresign ako kesa terminated. Sabi ko terminate niyo na lang po ako. Sabi niya print niya lang yung termination papers. Pag balik niya good news daw kasi bibigyan nila ako ng chance, suspended lang daw ako. Dapat sagutin ko kung bakit hindi ako dapat terminate. Ang kaso sa akin gross misconduct.
Sinagot ko naman itong papel. Naka ilang ulit sila kasi pinalitan pa nila ulit yung papeles na binigay sa akin. Lahat ito may kopya pa ako.
Pag dating sa dulo ng suspension ko, binayaran nila yung mga araw na suspended ako pero sabi redundiated na daw ako kasi ayaw na daw sa akin ng kliyente at wala akong mapaglagyan. Binigyan nila ako ng separation package.
Ang pinagtataka ko, bakit ako ang redundiated e may dalawa silang bagong hire, samantalang ako mahigit isang taon na sa kumpanya nun.
Ang mga katanungan ko po ay:
1. Papasok po ba ito sa illegal dismissal?
2. Nagbasa ako paano mag file ng kaso sa NLRC, sabi sabihin daw kung magkano ang hihingin ko. Pwede po ba kayo mag suggest ng amount para hindi naman ako humila lang sa hangin ng halaga. Ang nangyari po nung tinanggal nila ako ay matagal ako hindi sumahod (halos dalawang buwan kasi nung na lift lang ang suspension chaka ako sumahod), lumaki ang mga utang ko dahil sa interes, umalis ako sa inuupahan ko kasi walang pambayad, yung emotional at mental na stress, at kahihiyan. Yung natanggap ko naman po na separation pay ay pambayad lang din sa mga utang na lumobo na.
Salamat po sa sasagot.