Gusto ko lang pong itanung kung pwede bang iterminate ka without the termination notice? Kasi po nung magfile ako ng regination ang sabi ng manager ko eh hindi raw ako pwedeng mag resign kc terminated daw po ako for AWOL pero nung hiningi ko yung termination paper ko wala silang maibigay dahil ang HR daw ay nagpadala na by mail sa ddress ko na hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin natatanggap. Ganito po kasi iyon.
Ako po ay isang call center agent na may 1 taon at 9 na buwan ng nagtratrabaho sa isang BPO company. Noong July 20-22, 2016 po, ako po ay naka SL dahil po sa urinary infection. Ako po ay ngbalik magtrabaho noong July 25 ngunit noong July 27 po habang nagko-calls ako ay nakaramdam po ako ng pananakit ng ulo at ng mata na susundan ng lagnat dahil ganyan po ang kadalasang nangyayari sa akin pag may urinary infection po ako. Ako po ay nagpaalam upang maghalf day na lang ngunit hindi po ako pinayagan ang sinabi lang sa akin ay magpahinga sa lunch break ko. Nang subukan ko pong humingi ng clearance sa clinic ay hindi rin po ako pinayagan. Sa halong sama ng pakiramdam at sama ng loob ako po ay umuwi at hindi nagreport hanggang nito pong lunes, August 15 ng ako ay magfile ng resignation ay hindi tinanggap bagkos sinabihang hindi raw ako pwedeng magresign sapagkat ako daw po ay terminated due to AWOL. Nung hingin ko po ang termination letter ay wala silang maibigay at sinabing ako daw po ay padadalahan na lamang ng email para sa termination ko. So pumayag po ako pero ang lahat po ng mga bagay na ginagamit ko sa pag-call eh isinurender ko po sa kanila. Nung humingi po ako ng clearance o acknowledgment receipt para katibayan ko po na na-isurender ko na sa kanila ang mga gamit na ipinagkatiwala nila sa akin ang tanging ibinigay nila ay isang clearance na tanging ako lang ang nakapirma. Nung nagtext po ako para sabihing ako po ay babalik upang papirmahan ang "received by" portion nung clearance ang sagot po sa akin eh sila na lang daw po ang magprocess ng clearance ko at tatawagan na lang daw nila ako after 30-45 days.
Ang pangamba ko po kasi ay bk sabihin nilang hindi ko isinurender ang mga gamit sa kanila gaya ng headset at ng iba pa at pag nagkaganoon ay hindi nila ako babayaran sa huling sweldo ko at 13th month pay pati yung unused leaves ko po. May ka-team po ako na nagka TMJ at hindi pwedeng magcalls nung magresign ay pinayagan ng walang rendering of 30-day notice dahil sa TMJ pero nung tumawag upang alamin kung kelan nya pwedeng kunin ang backpay nya sinabing may utang pa raw sya na P12K. At tanung ko na rin po tama po bang iterminate ang isang empleyado ng walang termination notice?
Salamat po ng marami.
Olit