Ask ko lang po kung anong pwede kong gawin. Yung asawa ko po kasi dinala nya yung anak namin sa Mindoro para ipagamot sa Albularyo. May Hospital history po yung bata na may Acute Partial Seizure sya at kailangan ng regular check up. Pero mas gusto nyang sa albularyo ipagamot. kahit ayaw ko dinala nya ang bata sa probinsya.
Ngayon ayaw nya pong tumira sa bahay namin (living with my parents) dahil wala daw siyang privacy. Now I offer her my own house where we can live together. But She does not want to live with me. Mas gugustuhin nyang mangupahan kasama yung kapatid nyang babae, kaysa sa offer ko. In which I think, is may relasyon po sila. (Dirty Minds).
Ngayon tanong ko lang po. Sino po ba ang dapat masunod sa amin pagdating sa ganyang desisyon. Ayoko pong malayo sa anak ko at mag-ina ko. Gusto ko pong buo ang pamilya namin. Hindi po ba bilang padre de pamilya ako dapat ang masusunod? Kung ako po ang dapat masunod pero ayaw nyang sumunod sa akin, ano po ba ang dapat kong gawin?