Dati po sya na-assign sa pag-iinventory ng mga damit sa kanilang mga boutique sa iba't ibang lugar sa pinas, saglit lang din po dahil sa MIS dept talaga sya naka detail. kumbaga kapalitan lang sya.
Ngayon po pinalipat po sya sa ibang dept (warehouse). sa hindi po nya malamang dahilan. So, ayos na po kasi matagal na nya sinasabi sakin na nahihhrapan sya dati sa pagiinventory dahil madalas sya nagkakasakit at laging puyat dahil alanganin po yung mga byahe.
Ngayong linggo po pinabalik uli sya para mag field inventory. simula nung lunes, araw araw na sya bumabyahe, mula fairview, laguna (dalawang magkasunod na araw), pampanga at sa baguio. bali isang araw tinatagal nun pagiinventory nila.
Ang madalas nya dinadaing sakin bakit daw wala syang kapalitan kasi nakakapagod din araw araw bugbog sya byahe sa probinsya at wala naman daw sila offset or any compensation sa kanilang mga byahe. pamasahe lang at 70 piso sa pagkain. pagkauwi nya ng pampanga ngayon araw, kelangan naman niya magbyahe ng 2am papuntang baguio naman.
May form of abuse po ba na pwede kami ireklamo laban sa employer? dahil na rin po sa kakulangan ng compensatory time-off or any compensation. Nagkakasakit na yun asawa ko sa kakulangan ng pahinga at tulog. Salamat po sa inyong tulong..