mahalagang malaman mo kung ano ang binubuo ng tinatawag na support. Nakasaad sa Artikulo 194 ng Family Code na: “Art. 194. Support comprises everything indispensable for sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family. x x x”
Mahalaga ring malaman mo ang mga taong may obligasyong magbigay ng suporta sa isa’t isa. Ayon sa Artikulo 195 ng Family Code, ang mag-asawa ay may obligasyong magbigay ng suporta sa isa’t isa, gayundin ang mga magulang at ang mga anak nito, lehitimo man o hindi.
Samakatuwid, batay sa mga nabanggit na batas, maaari kang humingi ng suportang pinansyal mula sa iyong asawa para sa mga pangangailangan ninyong mag-ina.
Gayunpaman, hindi maaaring ipagkait ng iyong asawa ang suportang pinansyal na obligado siyang ibigay sa inyong anak. Sa pagkakataong ayaw magbigay ng suportang pinansyal ang iyong asawa para sa inyong anak, maaari kang magsampa ng kasong “Action for Support”. Dito ay aalamin ng hukuman ang mga pangangailangan ng inyong anak at kung magkano ang kinikita ng ama nito at ilang porsyento ng kanyang kita ang dapat niyang ibigay bilang suporta sa inyong anak.
gayun pa man.. wlang eksaktong calculation na nasabi sa batas sa kung mag kano ang dapt.
itoy naka base sa kapasidad ng provider at sa actual na pangangailanagan ng baby mo.