ever since po kasi na ang asawa ko na po ang humawak ng aming kaperahan sa bahay, hindi po ako binibigyan ng asawa ko ng pang gastos sa aking personal na pangangailangan. Ako po ay diabetic at may maintenance medicine kaya po ng lumipas ang ilang buwan na hindi man lang nya ako tinatanong sa aking mga needs, na obliga po ako na maghanap ng trabaho para meron akong sarili kong pera. Sya po ang gumagastos sa pang araw araw na baon ng 3 namin anak, tuituion, at pati na palengke sa pang araw araw, kuryente at tubig. Nun ako po ay nagkatrabaho, hinihingan nya ako ng contribution para daw sa pamilya. Mula po noon, ako ang nakasagot sa aming grocery sa bahay at mga household needs. Pero pag naubos na ang aking sueldo (dahil sa pamasahe, pagkain ko, pati bayad load ng 3 ko anak at sarili ko) zero balance na naman ako. halos half po ng sueldo ko nauubos sa pag grocery at other household expenses na hindi nya ginagastusan.
Nang ako po ay naoperahan (hysterectomy) hindi rin po sya gumastos sa akin. Lahat ho ay na cover ng health card ko at philhealth. Ngayon po na mag 2 months na akong walang sueldo at wala kahit 20 pesos na sarili kong pera, ask ko lang po kung may obligasyon po ba sya, bilang asawa ko, na magbigay sa akin ng monthly allowance? o kinakailangan ko ho talaga lunukin ko na lang ang pride ko at humingi?