Sana po matulungan nyo ako... bale meron po ako asawa at may isa po kaming anak. Ofw sya ngayun sa middle east, nagpapadala po sya sa amin ng anak ko 18-20k per month depende po sa pangangailangan namin. Bale wala po ako trabaho mula nun nagbuntis po ako. Nakatira kami ng anak ko ngaun sa mga magulang ko at nag bibigay dn kami ng share namin sa gastusin sa bahay at pagkain.
Last year po ay nalaman kong may kinakasama na ang asawa ko at buntis na yun babae. Inamin nya po mismo sa akin at huminge ng sorry, ako naman po si tanga naging handa parin akong tanggapin sya sa inaakalang gusto nya maging maayos... hininge ko pong magiging maayos lang kami kapag magawa nyang kalimutan yung babae nya pari yun anak nya doon. Kinausap ko din yun babae at sinabe nya na nung una daw nde nya alam na may asawa saka nalang nalaman nun buntis na sya pero ganon pa man kung ako daw pipiliin ng asawa ko irerespeto nya at lalayo sya.
Nagbago po lahat sa amin ng asawa ko, nakikita ko online sya sa fb pero nde nya ako pinapansin hanggang sa sinabe ko ng ayaw ko na at tapusin nalang naman ang lahat, nag agree sya nirerespeto daw nya ang gusto ko mangyare. Ilang araw kong pinag isipan ang lahat ang na realize kong nde ko dpat sinabi yun kaya naman kinausap ko ulit sya pero para sakanya nun sinabe ko daw ayaw ko na eh yun na yun.. nde na daw nya kaya pang ituloy ang marriage namin dahil wala ng pagmamhal pero nde daw nya kami pababayaan ng anak namin tuloy parin sustento nya.
Kaya naman pinabayaan ko nalang sya at sa kung ano gusto nyang gawin. Nanatiling 18k per month ang pinapadala nya pero kinausap nya ako nun February at sinabe na kailangan nyang babaan ang binibigay nya at baka nde nga na makayang paaralin ang anak namin sa private school. Sabi nya baka 14k nalang makakaya nya per month pag may school at 12k kapag bakasyon. May chance daw kasi na baka nde na sya makabalik sa company kung san sya ngaun work dahil nagbabawas daw ng tao at gusto din naman daw nya makapag set aside ng pera. At kung makakabalik naman daw sya gusto nya daw mag open ng educational fund ng anak namin para sa kolehiyo nya kaya nde nya makakaya ipasok na ang bata sa private, gusto nya ipasok ko anak ko sa public school. Mejo nagkaroon kami ng nde magandang pag uusap dahil ayaw kong malipat anak ko sa public school. Ano daw silbi ng pag aralin sya sa private kung pag dating sa college wala na, in case daw mawalan bgla sya work. Di ko maintindihan dahil 5 palang anak namin.
Last week po ay meron akong natanggap na sulat parang MOA sya nagsasabi na mula last year august ay hiwalay na kami. Nilagay din nya don na ang kaya nalang nya ibigay sa amin is 9k per month for basic needs only, bale parang naka breakdown don 6k sa bata at 3k sakin hanggang wala pa ako work tapos kapag meron na at tumaas sa 12k monthly ang sweldo ko mawawala na sustento sakin sa bata nalang padada nya. Dami din po sya demand sa letter kagaya po ng regular na update tungkol sa anak namin. Dinemand din nya na kapag umuwi sya ng pinas ay gusto nya kunin ang anak namin para doon mag stay sa bahay nila minsan kapag weekend.
Ang pagkakaalam ko po ay sinuyo nya ulit yung babae nya at nanganak na sya ngaun. Ayaw ko po sana na ipakilala ang anak ko don sa bagong pamilya nya, baka po kasi ma apektohan ang anak ko dahil 5 years old lng sya.
Ano po ba ang mga puede kong gawin para nde nya babaan ang sustento nya sa amin? Para manatili sa private school ang anak ko. Puede ko ba syang kasuhan? Sila ng babae nya? Ano ano po ang mga puede kong gawin? Patulong naman po... salamat..