ang adoption ay hndi simpleng proseso para po sa kaalaman.
eto ref po:)
ANG ADOPTION O LEGAL NA PAG-AAMPON AY ISANG PROSESO SA KORTE KUNG SAAN ANG UMAAMPON NG BATA AY NAGSASAMPA NG PETITION SA KORTE AT PINATUTUNAYAN NA SIYA AY MAY PHYSICAL, MORAL AT FINANCIAL NA CAPACITY O KAKAYAHAN NA ALAGAAN ANG INAMPON NA BATA AT ANG MGA MAGULANG NA ITO AY PUMAPAYAG SA PAG-AMPON.
ANG PAGREHISTRO SA NSO NG BIRTH CERTIFICATE NG ISANG SANGGOL O BATA SA PANGALAN O NAME NG HINDI TOTOONG MAGULANG AY HINDI ADOPTION O LEGAL NA PAG-AAMPON AT ITO AY ISANG KRIMEN NA KUNG TAWAGIN AY "SIMULATION OF BIRTH".
Ang alam ng iba na kung pinarehistro sa NSO ang birth certificate ng isang sanggol o bata ng isang tao at ipangalan ito sa ibang tao bilang magulang kahit hindi siya ang totoong magulang ay ito ay isa nang adoption o pag-aampon. Marami ang gumagawa nito ngunit ang iba ay hindi aware na ang gawaing ito ay HINDI LEGAL NA ADOPTION at ito ay isang krimen na may parusang kulong.
Ang legal na adoption o legal na pag-aampon ay nagsisimula sa pagsasampa ng petition sa korte at pagkakaroon ng Child Study Report ng DSWD or court appointed social worker upang alamin na makakaganda sa kapakanan ng inaampon ang adoption. Pagkatapos nito ay iuutos ng korte ang publication ng petition for three (3) consecutive weeks a newspaper of general circulation at itatakda ang presentasyon ng ebidensya ng nag-aampon. Patutunayan sa korte na meron siya kakayahang physical, financial at moral na palakihin ng maayos ang bata at hindi siya disqualified na mag-ampon. Bukod dito at kailangan rin ipakita sa korte na pumayag ang nanay at tatay ng bata sa pag-ampon. Pagkatapos nito ay uutusan ng korte ang OSG o fiscal na magpresenta ng evidence kung tutol sila sa adoption at pagkatapos nito ay maglalabas ng decision ang korte. Kung pabor sa nag-aampon ang decision ng korte at ito ay naging final and executory, ang decision ay irerehistro sa local civil registrar kung saan nakarehistro ang birth certificate ng bata upang baguhin ang kanyang apelyido. Kung kaya, ang pag-aampon ay hindi basta-basta at dapat idaan sa tamang proseso ng batas.
Ang pagrerehistro ng birth o kapanganakan ng bata o sanggol sa pangalan ng isang babae o sa isang tao na hindi niya totoong magulang ay hindi legal na adoption o legal na pag-aampon. Ito ay walang bisa at epekto sa batas at ang gumawa nito ay pwedeng parusahan gawa ng ito ay isang criminal offense under Article 347, Revised Penal Code na tinatawag na "simulation of birth." Ito rin ay pinaparusahan under R.A. 8552 otherwise known as Domestic Adoption Act of 1998. Ang sinumang gumawa nito ay pinaparusahan ng pagkakakulong ng prision mayor (6-12 years) in its medium period and a fine not exceeding Fifty thousand pesos (P50,000.00).
Ang intensiyon na gumawa ng kabutihan bilang depensa ay hindi pwede dahil kahit na ang intensyon ng umampon sa bata ay maganda, sinasabi sa batas na kailangan na dumaan siya sa proseso upang patunayan sa korte na meron siya kakayahang physical, financial at moral na palakihin ng maayos ang bata at hindi siya disqualified na mag-ampon. Kung kaya, ang pag-aampon ay hindi basta-basta at dapat idaan sa tamang proseso ng batas.