Good day po..
May friend po ako, 7years po sya sa pinapasukan nya pero tinanggal po sya sa trabaho dahil hindi po sya nag-OT. nagpaalam naman po sya sa HR na hindi sya mag-OT dahil masama pakiramdam nya at pinayagan naman po sya. Pero nung nakita po sya ng Manager na nag-out ay nagalit po ito. Nagsalita din po ang Manager na 'ayaw ng makita ang mukha nya na papasok. Week after ay tinext sya na magfile na sya ng exit clearance, pumunta po sya at kinausap ang HR pero pinapirma na po sya ng exit clearance.
Ang tanong po, May karapatan po ba sya na bigyan ng backpay o separation pay kahit po tinanggal sya dahil hindi sya nag-OT? at kahit po nakapirma sya ng exit clearance?
Ano po ba ang dapat niyang ikaso sa Employer?
Godbless po!