Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Gusto kong alisin apelyido ng tatay ko at gamitin yung sa nanay ko.

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

akosifranz


Arresto Menor

Ako po si franz cruz bautista ( di ko tunay na pangalan), 28 yrs old. Simula po nung 4th year highschool ako ay inabanduna na kami ng tatay ko. Walang child support at walang anumang naitulong mula nung puntong iyon sa amin ang tatay ko. Para makapagtapos ako ng highschool tumutulong ako sa turo-turo ng tita ko tuwing weekends. At dahil dun nakapag-tapos ako ng hs. Hindi na ako nag-college dahil nagtrabaho na agad ako para sa amin ng mama ko at kapatid ko. Sa ngayon ay ok naman ang pamumuhay namin. Parehas na kaming may trabaho ng kapatid ko at ayos naman ang sweldo namin. Ang nanay ko petiks na lang. Smile

Sa NSO ko po tama naman ang nakalagay na pangalan ko. Ang gusto ko lang po sanang mangyari ay di na gamitin ang surname ng tatay ko. Imbis na Franz Cruz Bautista ay maging Franz Bautista Cruz na po ang pangalan ko. Ang tanong ko po:

*Ano-ano po ang proseso na involve dito?
*Anong mga affidavits ang kailangan ko?
*Gaano po ito katagal?
*At magkano po ang halagang aabutin dito?

Gusto ko po sanang maayos muna itong apelyido ko bago kami ikasal ng long time partner ko.

Maraming-maraming salamat po.

centro


Reclusion Perpetua

Changing the child’s name from father’s surname to the mother’s maiden name if already filed at the Office of Civil Registry requires filing a petition for a change of name. This requires the services of a lawyer and the petitioner publishing a notice setting the case for hearing in a publication of general circulation. Court has to be convinced there are valid reasons for the welfare of the child to change the name. The acknowledged father of the child may present his arguments. But if the reason cited is lack of paternal connection, the father’s cooperation may not be necessary.
Changing the name is not easy and expensive. Use of surname is the child’s right. In most situations, the court waits for the child to be at least 18 years to decide for himself.

At dahil of age ka na, ikaw ang tatanungin ng korte. Gaano katagal, taon. Halaga, libo depende sa abogado mo. Research mo rin sa ibang legal advisory. Ask mo rin sa mga TV shows ng TV5, Teleradyo na may legal advice.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum