I got a message from my husband's mistress na pinagsisihan na nya lahat ang nagawa nya at humingi na sya ng tawad sa akin. Now, nag ask sya ng favor kung pano ko sya matulungan para matanggal ang apelyido ng anak nila sa labas ng asawa ko? Gusto nya gumawa ang asawa ko ng letter na wala na syang pakialam sa bata dahil yun din ang gusto ng mistress. Honestly, di ko pa talaga sila napapatawad, mahirap sobra. Pero hirap na rin daw syang makita na nasa apelyido pa ng asawa ko ang anak nila. Dahil para daw sa knya at sa bata ay patay na ang asawa ko.
Ano bang pwedeng gawin ni mistress para mabago ang surname ng bata. The child is 4 years old.