Sinubukan po ng pamilya ng asawa ko na kausapin ang angkan ng ama ng bata ngunit hindi po sila pumayag na mapalitan ang apelyido nya. Hindi po sila nagbibigay na sustento kasi hindi naman daw kami humihingi at hindi namin pinapahiram sa kanila ang bata.
1. Maaari po ba kaming humingi ng sustento sa tatay nya sa pamamagitan ng isang liham na pirmado ng ina at naka-notaryo? Na kung maari po sana ay may kopya din ang barangay nila upang hindi nila maitanggi na natanggap nila ang nasabing liham.
2. Kung hindi po sila sumagot at hindi nagbigay ng sustento, maari po ba itong maging basehan upang masimulan ko na ang proseso ng pagpapapalit ng apelyido kahit hindi sila pumapayag?
Sana po ay matugunan nyo ang aking mga katanungang ito.
Maraming maraming salamat po.