Pwede po ba itong mangyari, ang ate ko po ay nakapag-asawa ng muslim at kasal sila sa Islam, may anak na po sila ngayon, 2months old, ganito pangalan nila:
(1st name, middle name at last name)
Tatay: Abdullah Mumin Salih
Nanay: Mayet Aloy Garcia
baby: Muhammad-Rafiq Garcia ibn Abdullah
at yan po ang nakalagay sa birth certificate ng bata. Paliwanag naman po nun bayaw ko, ganun daw po talaga sa mga muslim, isinusunod nila ang pangalan ng ama.
Magkakaroon po ba ng problema ang bata sa darating na panahon?
Salamat po sa pagtugon...