Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Lupang minana sa Tatay pero buhay pa ang Nanay

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Ma1Ma1


Arresto Menor

Hi Atty! May lupa po akong binigay ng Tatay at Nanay ko sa aming magkapatid (verbally) na tinirhan naman na namin ng more than 10 years under NHA. Nakakapaghulog po kami ng amelyar pero hindi tuloy tuloy. Gusto ko na po sanang ayusin sa pangalan ko yung share ko dahil namatay na ang Tatay ko (sa kanya nakapangalan ang lupa). Bukod sa aming 2 magkapatid na maghahati sa loteng sinasabi ko may 8 pa po akong mga kapatid pero may mga binigay na din po sa kanila na properties.

Tanong po: Ano po ang mga kailangang dokumento na papirmahan sa Nanay at mga kapatid? Magkakaroon po ba ng separate land titles kaming magkapatid na maghahati sa lupa?

arnoldventura


Reclusion Perpetua

Mag execute kayo ng deed of extrajudicial settlement, at doon nyo i-define kung kanino mapupunta ang anong bahagi ng ari-arian ng tatay mong namayapa. Kasama ang nanay mo sa mga entitled makihati, so dapat pipirma din sya. After nyo magawa itong deed of extrajudicial settlement, babayaran nyo ang taxes saka iparehistro nyo sa Register of Deeds kung gusto nyo magka-title. https://www.alburovillanueva.com/land-titles-real-property-registration

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum