Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Traffic Accident

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Traffic Accident Empty Traffic Accident Wed Feb 18, 2015 12:59 am

pcgirl


Arresto Menor

Good day!

Just want to ask for some advice, ang asawa ko po kasi ay nag extra as taxi driver, last February 11 (wednesday). Nasa malapit sya sa QC Circle at nasa tamang lane sya, lumagpas ng sya sa isang bagong dmax ng biglang kumabig yung dmax at natamaan yung hulihan ng taxi at yung unahan ng dmax sa may bandang gilid. Bumaba ang asawa ko at yung driver ng dmax para tignan yung damage. Hindi naman nagkaroon ng dents pero may gasgas or parang humawa yung pintura ng dmax sa taxi at yung pintura naman ng taxi humawa din dun sa dmax. Hindi naman nakipag argumento ang asawa ko pero pinaliwanag nya na ung dmax ang kumabig at nakatama sa kanya. Hindi po ba dpat ay naghintay sila ng enforcer para icheck yung situation para malaman kung sino ang may kasalanan? Pero niyaya ng driver ng dmax yung asawa ko na sumunod sa kanya para pumunta sa police station para gawan ng report at maipasok sa insurance. Sumunod naman ang asawa ko pero pagdating po dun ay pinabalik lang sila dun sa area kung saan nangyari ang aksidente at sinabi na may pupunta doon na pulis. So bumalik sila pero nasa isang tabi na lang at wala na sa saktong lugar at pwesto kung paano nagkabanggaan.

Habang naghihintay nagpakilala na sundalo yung driver at tinanong pa nya kung muslim ang asawa ko which is hindi naman dahil christian ang asawa ko. Saka pa lang naisipan ng driver ng dmax na kunan ng pic yung damage ng sasakyan nya at ng taxi at yung id ng asawa ko sa LTFRB at plate no. ng taxi. Ang sabi ng driver kailangan magbayad ang asawa ko ng 5k or kahit 2k na lang daw kasi kahit naka insured may babayaran pa rin daw. Ako ang kumausap dun sa driver at sinabi ko na wala kami ibabayad dahil kalalabas ko lang ng ospital dahil sa maselang pagbubuntis at kakaextra lang ng asawa ko sa taxi. Ang sabi nya kahit daw 1k na lang daw para di na maabala dahil ang tagal na nilang naghihintay sa pulis pero wala pa rin dumadating. Sabi ko bigay na lang sya ng account kung saan pwedeng ihulog ung pera at hahanapan ng paraan. Wala nman balak tumakas ang asawa ko dahil kung mayroon kanina pa sya iniwan at naglihis ng daan ng pasunurin sya sa police station.

Binigay din namin ang cp number namin mag asawa at binigay din ng driver ang number nya. Ang sabi nya itetext daw nya yung details paguwi nya sa bahay. Bandang 9pm ng araw din na yon (feb 11) ako pa ang nagtext kung ano yung details dahil wala ako narerecib na text sa kanya pero walang reply.

Feb 18, nakarecib ako ng text galing sa driver ng dmax ang sabi nya "Gud am kmust ana bakit d na kayo nag reply"

sabi ko wala naman po kaming narecib na text nyo kayo po ang di nagreply ng magtext ako noong gabi para sa details.

ang sabi nya "ah ok cge text ko ulit"


nag reply ako ang sabi ko"pasensya na po kung di namin agad mababayaran ha. Wala na rin kasi sya dun sa inextrahan nyang taxi"


ang reply nya" nagusap kami na babayaran nya kinabukasan kaya ko sya pinayagan umalis"

wala po sinabi ang asawa ko na ganon dahil naka call ang asawa ko sa akin at ako pa ang nakipagusap sa kanya... at kung totoong nagsabi ang asawa ko ng ganon bakit hindi sya nag follow up kinabukasan at lumipas ang ilang araw bago sya nag text

saka sya nag text ng number na smart padala .. gusto ko sana ay makuha ang full name nya. pero number lang angbinigay nya. at bigla sya nag text na sasampahan daw ng kaso asawa ko pati yung taxi sa LTFRB pag di daw tumupad sa usapan.

may karapatan ba ang driver na ito? samantalang hindi na nga sya naghintay makagawa ng police report. Paano nya ipapasok sa insurance ang damage ng walang police report? hindi ba kailngan yon? Magbabayad naman ang asawa ko kung mapaptunayan na sya ang mali at insured din naman ang taxi. Hindi ko lang po kasi matanggap na may mga ganitong tao na mahilig mangipit ng kapwa nila. Naghahanapbuhay lang ang asawa ko ng marangal.

Sana po ay may magreply sa thread ko at salamat sa tulong nyo.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum