Ask ko lang po kasi ung father ko accidenteng nakabundol ng babae habang tumatawid. Ang statement ng tatay ko, umiwas daw ung girl sa mabilis na motor kaya sya umatras at tumama sa reserbang gulong ng jeep ng tatay ko. Tumama ung kanang braso nya at ung likod ng ulo nya (bandang batok) dun sa gulong. Ang pinupunto ng babae kasalanan daw ng tatay ko at hindi daw sya umatras. Ang point naman namin, paanong sa reserbang gulong sya tumama kung hindi sya umatras. Kasi kung hindi sya umatras dapat sa bumper sya ng jeep tumama o kaya kaliwang braso ung natamaan sa kanya. Mukhang gustong lang naman kaming perahan nung babae at paiba-iba sya ng statement. Ano po kayang magandang gawin namin.
Thanks po sa magrereply.
Thanks po sa magrereply.