Nakahiram po kasi ako ng pera. May pinapirmahan siya. Nung una, nakakabayad ako ng 3 buwan, natigil kasi inuna ko ang gastusin para sa pamilya ko.
Kung ano-ano nang text ang natanggap ko sa kaniya na nakaka-'degrade'.
Ganun ba talaga ang tao? May karapatan na ba silang magsabi ng kung ano dahil may utang ako sa kanila?
Napilitan tuloy akong maghagilap para tumigil lang siya. 3 months worth ng utang ang pinabigay ko sa kaniya.
Natigil ulit yung pang-monthly ko sa kaniya. Nakakatanggap na naman ako na text na humantong pa na parang may 'threat' na sasaktan ako pag nagkita kami.
Pakiramdam ko, na-'harrass' ako kaya pina-barangay ko siya. Sa kasamaang palad, itinanggi niya ung huling binigay kong 3 months worth na utang sa kaniya. Samakatuwid, binalewala ko para lang matigil siya.
Nagkasundo kami na babayaran ko siya sa loob ng isang taon sa ganitong halaga. Nagtiwala na naman ako at hindi pa rin nagpa-pirma.
May tawag ata sa akin dun...
At natigil na naman ang paghulog ko nitong huling buwan. Mahirap kasi ang buhay. Tatlong anak ko ang nag-aaral.
Ako naman ngayon ang pinadalhan ng 'summon' ng barangay. Ang sistema ay sinisingil ako sa orihinal na utang na 12,000 (kasama ang interes) pati paninirang puri.
Pasensya sa mahabang istorya.
Ang tanong ko po eh:
1. Mababalewala ba uli ang mga binayaran ko sa kaniya? Totoo namang mayroon akong inabot sa kaniya. Nung huling buwan, asawa ko pa ang nagpa-abot ng pera para sa kaniya.
2. Tungko sa paninirang puri, wala po katotohanan iyon. Siya pa nga ang nag-text sa akin ng paninirang-puri. Maibabalik ko ba iyon sa kaniya pag nagharap na kami?
3. Maaari ko ba siyang hindi siputin sa barangay? Para mas pormal at may bisa ang kasunduan namin, mas nanaisin ko pang mag-file siya sa small claims court.
Salamat sa makakabasa at makakapag-reply.
God Bless Po!