May salary loan ako sa isang bank payable for 2yrs., 80k nakuha ko and I issued 24 checks. 'Yun friend ko from hrd helped me to get this loan, she issued coe, helped me also for itr, etc. We agreed na magshare kami sa pagbayad. 50k sa akin, 30k sa kaniya. Ang siste matapos nya makuha ang part nya, tiwala lang binigay ko, di ko sya pina-sign ng kahit ano noong nakuha nya 'yun 30k (13k mahigit ang tubo nitong sakaniya). 6mos. nakakapaghulog sya pero ngayon hindi na (2mos. na syang di nakakapagbigay ng share nya dahil tinanggal sya sa work sa kadahilanang nagdispalko sya ng pera ng company). May mga text sya sa akin na di sya makakapagbigay, 'yun lang ang meron akong proof na may pananagutan sya, ano po bang dapat kong gawin? Php1,805 lang naman ang share nya kada-buwan, pero di nya ginagawan ng paraan, ang alam ko may work na sya pero lumipat na sila ng bahay. Pag di nya ba tinuloy ang pagbayad nito may habol ako sakaniya?