Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Utang na ayaw bayaran pero may kasulatan

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Utang na ayaw bayaran pero may kasulatan Empty Utang na ayaw bayaran pero may kasulatan Fri Dec 04, 2015 3:06 pm

eleenachan1


Arresto Menor

Good morning po.
Ako po si grace nais ko po sana matanong kung ano po ang maari kong gawin sa taong umutang sa akin ng 70k at may kasalutan naka notaryo finger print at pirma nya mahigit 6 n buwan na ang kanyang utang na walang interest kahit piso wala siyang naibayad ako po ay taga quezon city at sya ay taga batanggas o teresa rizal ay masama nito eh paano ko po xa sasampahan ng kaso kung hindi po naka indicate sa contract namin ang exact adress nya pero meron akong kopya ng passport nya kasi sabi nya daw s farm daw sila nakatira at wala daw no. Ang mga bahay dun at yun ang iniinsist nya sa akin at ngayon gusto ko na po sya singilin at parang nagtatago na xa at d na nagpaparamdam ano po ba ang maari kong gawin sa kanya para lang maibalik ko lang ang pera ko na kahit walang interest. Sana po masagot nyo ang aking problema. Kung ano po ang unang hakbang na dapat kong gawin.alam ko po lahat ang no. Nya un nga lang po binabalewala nya lang ang paniningil ko sa kanya kaya hindi xa nagbabayad ano po ba ang maari kong gawin?
Sana po masagot nyo po itong lahat maraming salamat pp



Last edited by eleenachan1 on Fri Dec 04, 2015 3:19 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : Pinalitan lo lang name ko ta dagdag ng tanong)

thepoetsedge

thepoetsedge
Reclusion Perpetua

Punta po kayo sa pinakamalapit na PAO (Public Attorney's Office) and patulong po kayong magsampa ng kaso ng collection for a sum of money against dun sa nangutang sa inyo. Dalhin nyo na po lahat ng documents regarding sa utang nya para mai-assess din ng PAO kung may enough evidence po kayo para maningil ng utang. Pwede pa pong dagdagan ng damages yung claim nyo since matagal pong di nakapagbayad yung nangutang sa inyo, para naman may possible reimbursement po kayo sa sufferings na nangyari dahil sa di pagkabayad ng utang...

Take note lang po na di maaaring makulong yung nangutang sa inyo dahil isa itong civil case at hindi criminal case. Importante din po na makuha nyo yung exact address nya para mapadalhan po sya ng summons order ng sheriff ng korte pagkatapos maihabla yung kaso nyo sa korte.

Good luck po sa sitwasyon nyo. Alternatively, pwede nyo rin pong munang pag-usapan sa harap ng isang barangay official para di muna po umabot sa korte yung kaso nyo. Baka naman po may mapagkasunduan po kayong paraan para sa pagbabayad ng kanyang utang nya sa inyo, sa tulong ng isang barangay official.

3Utang na ayaw bayaran pero may kasulatan Empty Utang na ayaw bayaran pero may kasulatan Fri Dec 04, 2015 6:37 pm

eleenachan1


Arresto Menor

Hindi ko po makuha ang adress nya dahil di po talaga nya ibinigay yun tanging barangay adress lang ang meron ko sabi nya kung magsampa man daw ako ng kaso pwede naman daw sa post office maipadala yun pwede ho ba iyon?kahit anong pilit ko kasi ayaw nyang ibigay paasport lang nya ang meron ako at record ng bounce check nya na isue nya sa akin dati un pala walang laman pinaasa lang nya ako sa ginawa nya kaya gusto ko sya makuling din dahil pangloloko nya tatlong beses nya pa iyon ginawa. At tanging papeles na meron ako eh ung contract namin na may pirma nya at fingerprints pero hindi exact ang adress nya kung sakali po ba pwede pa din ako magsampa ng kaso kahit walang adress at ilagay ang baranggay lang nila?

4Utang na ayaw bayaran pero may kasulatan Empty Utang na ayaw bayaran pero may kasulatan Fri Dec 04, 2015 6:41 pm

eleenachan1


Arresto Menor

Maari pa in ba syang magkaroon ng kaso kung sakali hindi ko po xa makita?

thepoetsedge

thepoetsedge
Reclusion Perpetua

Since may tseke na pala na tumalbog, maaari din po kayong magsampa ng Estafa case under violation of BP 22. Criminal case po iyon, so pwede po syang ma-detain once nakita po sya.

Pwede naman po yung last known address nya or workplace na rin po yung pwede nyong ibigay na impormasyon. Hahanapin din po kasi nung Sheriff ng korte kung saan po nakatira yung nangutang sa inyo, so vital po yung pinakamalapit na address nya. Subukan nyo pong alamin ang magtanong sa mga taong naninirahan malapit dun sa "farm" nila para po malaman kung saan sya nakatira ngayon.

Pwede pong mapadala yung summons ng korte via regular mail, pero kelangan pa rin po ng address din doon para magamit yung method of delivery na iyon.

Sa ngayon po, mas nakakabuting magpunta po kayo sa PAO as soon as possible po para magkaroon po kayo ng ideya kung ano po yung dapat nyong gawin.

thepoetsedge

thepoetsedge
Reclusion Perpetua

Itago nyo rin pala po kung may kopya po kayo ng ibinigay nyang tseke na tumalbog, para po may katunayan kayo na may panlilinlang na nangyari sa pagbabayad ng kanyang utang. Magandang ebidensya po iyan para sa kasong Estafa.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum