May kaibigan po ako na pina entrust sa akin yung items nya.
Lumapit sya sa akin para i market daw sa province namin. Ako nagbayad ng shipping cost para mapadala lang yung items sa province ko. Ang kasunduan namin is "Pay as you sell" parang consignment. Wala pong kontrata, walang pinirmahang kasulatan. Lahat verbal or text messages lang. Lately yung kaibigan ko na supplier nangongolekta na sya ng bayad habang ako wala pang sales. Gusto nya bayaran ko ang whole amount na sinend nya sa akin na items.
Kaso wala po akong pambayad. So nag decide po ako na ibalik ko nalang yung items na sinend nya sa akin. Pero di sya pumayag kasi considered sold na raw yung items na sa akin. At binigyan ako ng sulat na may pirma galing sa abugado nya
Ang tanongko po:
1.) Pwede ko ba ibalik sa kanya ang items since wala naman kaming kasunduan?
2.) May grounds ba sya na kasuhan ako kung ibabalik ko yung items nya?
3.) Ano ba dapat gawin sa part ko? Wala din ako pambayad at yung items nya intact pa.
Sana po ay matulungan nyo po ako.