Manghihingi lang po ako ng advice tungkol sa biglaang pagpapaalis sa akin sa trabaho... Ganito po ang pangyayari... ( pasensya na po parang MMK lol)
January 12, 2015 kinausap ako ng supervisor ko. Sinabi nia sa akin na last day ko na daw nung araw din yun. kasabay nun pinapirma nia ako ng Discontinuance of Employment. Sa pagkabigla ko, hindi ako nakapagsalita at napapirma na lng agad ako. After a few minutes, tsaka ako nahimasmasan at naisip yung nangyari. kaya umakyat ako sa HR para itanong kung tama ba yung ginawa sa akin. And advice ng HR, pumasok pa din daw ako at antayin ang final decision ng HR.
January 15 2015 Pinatawag ako ng HR pero sa main office na. Nauna niyang kinausap yung supervisor ko bago ako. Ang sabi sa akin ng HR, ang dahilan daw ng pagkakatanggal sa akin ay ang di ko pag attend nung Christmas Party at di pagsama sa outing na ako naman ay nakaduty ng mga oras na yun. At ang pagtanggi ko daw sa trabaho nung January 1. Ang dahilan ko naman sa pagtanggi nung January 1 ay dahil ako na ang nagduty nung Dec 24, 25 at 26. Actually kinausap ko naman yung visor ko na kung maaari lang naman na wag ng ako ang ilagay nia para magtrabaho ng December 31 2014 at January 1, 2015 dahil may iba naman na pede iassign. pumayag naman sya, pero di ko akalain na gagamitin niya yun para sa pagpapaalis sa akin sa trabaho. kaya ang disisyon ng HR ay hanggang January 25 na lamang ako.
May laban po ba ako kung ilalapit ko ito sa NLRC?
Hindi pa po ako regular sa company. Pero natapos ko na po yung 6 months probationary period nung December 9 2014. at pumirma ako ng extension til February 9, 2015. kaya nagulat na lang ako ng bigla ako kausapin ng ganun nung supervisor ko saying na last day ko na nga daw.
Maraming Salamat....