Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

UNJUST ENRICHMENT? Pls HELP!

Go down  Message [Page 1 of 1]

1UNJUST ENRICHMENT? Pls HELP! Empty UNJUST ENRICHMENT? Pls HELP! Tue Jan 06, 2015 11:33 am

concernedWife


Arresto Menor

Good morning,

I am just a concerned wife. Ang husband ko po kasi ay nagwowork as a small time contractor. In order to work on projects he partnered with our friend and yung mga construction licenses po nila ang ginagamit namin para makagawa ng mga projects.

Ngayon po may kumuha sa kanyang isang restaurant para irenovate yung interiors nila. Ang nangyari po, pina quote namin sa isang Engr. yung project and sinabi sa amin kung how much approximately yung project. Since dalawa na daw ang nag quote, we went on ahead and drafted the contract. Sa initial agreements po namin may mga bagay na hindi kami ang gagawa na related sa electrical at mechanical engineering. Mga naka outsource po iyon so iba dapat ang contrata. Ang ginawa po nila sinabihan nila kami na ilagay ang lahat sa iisang contrata lang para lang daw po sa "surety bond" so sinunod po namin ang gusto nila. Nagdraft po sila ng contrata na pinapirmahan sa business partner namin.

Nagkaroon po ng major problem, the project was "severely" underquoted. Nasa 1st week na po kami of construction nang marealize yung underquote. It was extremely onvious noon palang po kasi 1st week palang na exhaust na agad yung 30-40% ng money. We worked hard to find money para matapalan yung mga kulang dahil ang nasa isip po namin baka kaya naman naming tapusin at ififinance nalang namin yung mga kulang kasi nga po alam namin na bound kami ng kontrata. Kaso... umabot na po sa point na 100% exhausted na kami ng project financially. Wala nang maipagatas sa anak ko at wala nang maibili ng bigas sa bahay. Ganun na po kami ka walang wala. Kaya inamin na po niya sa client yung nangyari na "underquote". Ang sagot lang po ng client is that hindi nila kasalanan yon at dinedemand nila na tapusin nya yung project dahil yun ang amount na nakalagay sa contract.

Ayaw sukuan ng husband ko yung project kasi nga kaibigan nya yung nakapirma at hindi naman kami. Kaso ang nakikita ko, he is being abused emotionally na by the events. Pinag iissue nila sya ng cheke sa mga suppliers na nagdedeliver then finoforce sya na pondohan yung cheke. Nung wala na syang maibuga, binayaran nila yung suppliers pero kinuha nila yung cheke na pina issue nila sa asawa ko.

Kung masamang tao po ang husband ko, matagal na sana nyang tinigilan yung project at hinayaang mademanda yung friend namin na nakapirma sa contract. Kaso matindi po ang paninindigan nya na hindi tama na may mahirapan na ibang tao ng dahil sa mistakes nya. But it was an honest mistake, bago sya sa ginagawa nya at bumase lang sya sa sinabi sa kanya nung kapartner namin na nagpa quote sa engineer. Nilakasan lang po niya ang loob niya dahil gusto nya kaming bigyan ng maayos na buhay. May time po na sinabi ng client na tutulong sila at ififinance yung mga kulang pa pero ang lumalabas sisingilin nila ang asawa ko sa mga items sa project na sila ang nagbayad. Meaning, parang ipinagtayo na namin sila ng business from our own pockets.

Kung utusan nila yung asawa ko na pumasok ng maaga ganun ganun nalang. May panahon na umaalis ang asawa ko ng 7am at umuuwi ng 10pm. Umiiyak sya lagi sa akin dahil hindi na namin maintindihan kung ano itong napasok nya... first time po naming nag pasko at nag new year na mga magulang ko at mga tita ko ang naghanda dahil wala kaming maicontribute.

Wala nang magatas ang baby ko at wala na kaming maibili ng bigas pero pinipiga parin nila kami na gumastos para sa project na yon. Kung pagsalitaan pa nila ang asawa ko parang ninakaw nya yung pera when I know so well na hindi naman. Kung may ganun syang intensyon, dapat noong nag downpayment palang sila tinakbo na nya yung pera. Hindi eh...kami na nga yung walang wala kami pa ang nilalamangan at sinasaid. Nung hindi pa nagkaka pirmahan ng contrata sinasabi nila na gamitin lang yung materyales na pasok sa budget nila. Tapos nung finished na yung contract at napirmahan na, ang dami na nilang gusto. Naging industrial grade na yung lahat ng metrials na needed. Hindi na nasunod yung words nila na ipasok lang sa budget yung project.

Halos 1.5M po yung tinutukoy ko na underquote dahil we only quoted them 1.3M for the whole thing including lights, aricon and furniture. Kasama na rin po jan yung stainless equipment nila sa kitchen. Pero ang quote po nung isa naming engineer nung mavisit nya yung site is 2.8M. Mashado pong obvious yung pagiging in bad faith nung agreement nila sa amin. We already told them nung umpisa palang during the quotation process na wag nalang... baka dipa namin talaga kaya but they insisted on having us find the right company to issue a surety bond.

Ano po bang dapat kong gawin?? Ano pong dapat naming gawin?? Sa buong buhay namin, diko pa po nakikita yung asawa kong ganito ka pagod... yung umiiyak na sa pagod. Ang masakit, wala pa syang kinikita...kami pa ang nagbabayad at nagpapaluwal. Hindi na po talaga ito tama... ano pong dapat naming gawin??

2UNJUST ENRICHMENT? Pls HELP! Empty Surety Bond Thu Jan 15, 2015 1:50 am

concernedWife


Arresto Menor

Naka sign din po kami ng surety bond...

Please please respond naman po we need help...

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum