Tatagalugin ko na lang po para mas malinaw kong maipa-abot ang aking katanungan/concern. Salamat po.
Meron po akong anak 4 yrs old na nakatapos ng nursery sa isang small private school. Ngayon po ay transfer namin sya sa ibang bigger private school for K1. Inassess po sya ni Principal ng new school at pumasa at sinabihan kami na kailangang mag enrichment class sya bago opening ng regular class sa August. Sinabi po namin ang kakayahan ng anak namin halimbawa marunong nang basic reading and writing, simple addition at subtraction, shapes and colors, alphabets at behave naman po sya sa school. Nag insist pa rin po si Principal na mag enrichment class para daw po preparation sa advanced lesson nila sa K1. So kami pong mag asawa ay pumayag at nagbayad kami ng 4 thousand pesos for this enrichment class (20 days only). Two weeks na po ang nakakaraan, napansin namin mag asawa na basic lang pala ang ituturo sa enrichment class at mismong ang dalawang titser na nagtuturo ang nag sabi na basic lang talaga ang ituturo nila (vertical line, horizontal line, alphabets, colors, shapes). Sa ngayon nasa letter C pa lang sila ng alphabets at 2 shapes done. Hindi ko nakikita na matatapos nila ang alphabets or matuturuan man lang sila ng basic reading and writing ang mga classmates ng anak ko sa ikli ng panahon (more than 10 days remaining). Kaya naman po puro very good ang grades ng anak ko sa mga class activity nila dahil napag aralan na nya sa nursery. Taliwas po ito sa sinabi ng Principal na nag assess sa kanya na ang enrichment class ay preparation for advanced class ng K1. Napag alaman din po namin na mostly sa mga kaklase nya ay hindi pa nakapag nursery. Masama lang po ang loob namin dahil hindi naging totoo ang school sa promise na advanced ang lesson na ituturo at sa tingin ko po wala po kaming makukuhang value sa enrichment class na ito na binayaran namin ng 4K pesos.
Ang tanong ko po ngayon ay ganito. Naaayon po ba sa batas na ang isang private school ay mag impose ng mandatory enrichment or summer class at maningil ng 4k bago i-accept and estudyante para sa K1 kahit na nakapag tapos na ng nursery sa ibang school. Sana po ay mapa liwanagan nyo kami. Maraming salamat po.
Regards,
Jun
Last edited by jundr on Tue May 24, 2016 4:34 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : to update the wordings)