2006 nung maghiwalay kami ng husband ko dahil sa pamabbabae at pagpabaya sa amin ng 2 kong kids. Napilitan ako mag HK in 2007 para mabuhay at mapag aral ko ang 2 kong anak. 2009 Nag file ako ng divorce dito sa HK, he received the petition. 2010 lumabas ang decree. I understand that divorce is not recognized in Phils. Gusto ko lang po protektahan ang rights ko in the future. Bilang OFW, may kaunti po akong nasinop, plus may mga insurance din po ako. Gusto po sanang mag file ng annulment (may kinakasama na sya).
Question;
Ano po ba ang step by step procedure? Makaka-avail po ba ako ng PAO attorney? Maaari nyo po ba ako irefer? Gaano po
katagal ang proseso?
Salamat po in advance sa mga kasagutan ninyo.