hingi po ako ng advice. na hired na po ako noong June 30, 2014..ipinaalam naman po ng HR na ung amount na yon ang magiging salary ko pero sa paglipas ng mga araw, naiba po ung decisyon ko at naisipan kong maghanap ng ibang trabaho kung saan magiging kontento ako sa sahod na matatanggap ko. Sa pag eentertain ko po ng mga interviews, natanggap ako at mag rereport ako ngayong darating na lunes July 14, 2014. Hindi na po ako mag rereport sa naunang trabaho ko kaya lang po, noong nakaraang July 7, 2014 ay may napirmahan na po akong contract at nakasaad po doon na kapag nag resign daw ay dapat may 45 days before ng effectivity. Ayoko pong umaabot sa mga araw na yon kasi mag rereport na ako sa bago kung trabaho ngayong lunes at mga 2 weeks lang pa naman po akong nandon at wala pa akong mga accountabilities at hindi pa ako nakatanggap ng sahod mula sa kompanya na yon. Sabi po ng immediate supervisor ko na huwag nalang daw akong magbigay ng resignation letter para hndi nila ako ehohold para AWOL nlang daw po. Hindi ko po alam kong ano po talaga ang dapat kung gawin. I need your advice po ASAP.