Gusto ko lang po maliwanagan,
hiwalay na kami ng asawa ko na nasa pinas for 2years now. thru internet ko sya hiniwalayan dahil nga sa madaming dahilan na naipon na. kaya nagdecisyon ako hiwalayan na sya. after ilang buwan nagkaron ako ng girlfriend dito kasama ko sa abroad. nalaman nya eto at galit na galit. pero buwan2 ako nagsusuporta sa anak namin na 1. at madalang ko makausap ang anak ko dahil narin sakanya.
ngayon 2014 nalaman ko na sya ay buntis na sa ibang lalaki, meron na sya bagong kinakasama. manganganak sya by September this yr.
sinabihan nya ako na ipapangalan nya sa akin ang bata dahil kasal kami. hindi ako pumayag. pero ewan ko lang kung ano gagawin nya. dahil gagamitin pa diumano ang Philhealth ko.
ngayon, lagi nya ako pinagbabantaan na kakasuhan nya ako dahil meron ako babae. at iniwan at sinira ko daw pamilya ng anak namin. buwan2 eh ngsusustento ako ng Php 10k sa bata. gayong Php30k lang ang sinasahod ko. Gastusin pa dto sa abroad. tuwing manghihingi sya ngayon ng additional na pera at di ko sya pinagbibigyan eh tinatakot ako.
Gusto ko po sana itanong. ano po ba pwede ko gawin? uuwi ako this year para maayos eto. at ang pagsustento sa anak namin eh gusto ko sana legal. paano po ba?
Salamat.