JJSeparated8 wrote:Hi,
Good day. I need any advise or suggestion please. I was married when I was 19, we only live together for like 3 years and we have 2 kids, we separated since 2002 that was 13yrs of separation though we have not filed any legal papers and I don't know his whereabouts cause I did not bother to asked for any support from him. Right now I have a new partner, we've been together for 7yrs already. I am currently 1 month pregnant and as much as I want to go for pre natal check up I am afraid of the legalities questions from the Doctors. I just want to know if whose last name can I have my baby? Can I use my mother's maiden name like yung sa single na last name? or can I let me current partner's last name? I prefer my maiden name para sana hindi complicated. Can I declare single sa mga hospital papers? pero pag dating kasi sa Philhealth and SSS ang concerns ko cause all my papers are already married though meron akong single na mga IDs. Please help. Really need your advise or suggestions. In short I don't have any communication with my ex husband for 13yrs now. Please help...
similar na similar sa estado ng live-in partner ko yung case mo ma'am. pati edad mo nabuntis at year of separation nyo.
speaking from my point of view (hindi po ako attorney) bilang ako mismo naka-experience nyan. nag-live-in kami noong 2004 at nagkaanak ng 2009. legalities po sa papel ng bata, wala naman pong kwestyon sa doktor yun. walang karapatan ang doktor na panghimasukan ng pribadong buhay ng pasyente nya. tungkol sa last name, pagkapanganak po ng bata ay pwede pong isunod sa apelyido ng tatay pero pipirmahan nya ang likod ng birth cert bilang patunay na ina-adopt nya ang anak nyo. kumbaga ginagawa nyang legitimate child ang illegitimate child nyo. kung maaari ay sya ang magpa-register ng baby nyo tulad ng ginawa ko.
ngayon tungkol sa legal action na pwedeng gawin ni ex-hubby mo sayo, pwede ka nyang i-demanda kahit pa matagal na kayong hindi nagkita. yun ay dahil wala namang naging closure yung relasyon nyo (court decision). Article 40 of the Family code provides that persons cannot take the law into their own hands and simply declare by themselves that their marriage is null and void. sabi mo nga hindi ka/kayo gumawa ng legal na hakbang para mapawalang-bisa yung nauna mong kasal so valid pa rin po yun. hindi ka pwedeng magkaanak sa iba so liable ka sa kung anuman ang legal na hakbang na pwedeng gawin ng ex-hubby mo sayo dahil sa pagdadalang tao mo.
wish mo nalang na hindi ka nya gambalain pag nagkataon. on our case kasi hindi nakialam ang ex-hubby nya dahil may iba na ring pamilya at nagkaanak na rin sila. pumanaw ang ex-hubby ng live-in partner ko noong july 2014 due to an accident. habang naghihingalo ay nakuha pang mag-sorry at sila ay nagkapatawaran bago tuluyang malagutan ng hininga si lalaki.
uulitin ko po, yan ay based from my experience and not coming from a legal expert.
edit: karagdagan lang po. hindi agad naging legal ang kasal nila noong 1999 dahil hindi ipinarehistro ni ex-hubby yung kasal sa huwes kaya lahat ng papers ng live-in partner ko ay single. kaya nung pina-register din yung baby namin ay single ang status ng mother kahit pa kasal sila. lately lang ipinasok ng hubby yung papel, so ang naging kawawa ay yung 2nd family nya dahil walang naging habol sa insurance nung biglaang namatay si guy. sa legal wife (my live-in partner) pumasok ang lahat at binigyan nalang namin ng parte yung illegitimate child nya dahil yun ang nakasaad sa batas.