Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

neighbor's animal causing damage to property

Go down  Message [Page 1 of 1]

Lileth Kasten


Arresto Menor

Mahilig akong magtanim ng mga gulay sa aming bakuran. Pero malaking problema sa akin ang madalas na pagkasira ng mga tanim ko dahil sa mga manok ng isang kapitbahay namin.
Sinabihan ko ang kapitbahay ko tungkol sa problema pero nagalit siya at sinabing ang mga manok daw niya ay may mga paa kaya naglalakad at nagkukutkot sa lupa. Sinabi pa niya na ako daw ang wag maglagay ng compost o animal manure sa mga tanim ko para hindi kutkutin ng manok niya o kung hindi ay magpatayo daw kami ng concretong bakod na hind kayang liparin ng mga manok niya para hindi makapasok sa bakuran namin.
(Mayroon kaming bakod na hogwire sa buong palibot ng 5,000 sq m na property namin na nahati sa 3 sections na may mga bakod din. 1 section kung saan ako nagtatanim ng mga gulay; 1 section kung saan nakatayo ang aming bahay na napalibutan din ng cyclone wire sa 3 sides, at dobleng hogwire sa 1 side. 2 meters mula sa huling side na nabanggit ay naglagay pa kami ng isa pang bakod na may net para hindi makalusot ang mga manok niya pero nililipad pa rin nila; at 1 section kung saan may mga tanim akong mangga).
Humingi ako ng tulong sa barangay at dalawang beses siyang pinuntahan ng tanod. Ipinakita ko sa tanod ang tindi ng pinsalang ginagawa ng mga manok. Ipinaliwanag ng tanod sa kapitbahay namin ang kanyang responsibilidad bilang may-ari ng hayop at kaya dapat niyang ikulong ang mga manok upang hindi makapinsala sa kapitbahay. Ngunit binalewala lang niya ang mga sinabi ng tanod. Nag-usap kami sa presinto, at sinabihan din siya ng pulis na ikulong ang mga alaga niyang manok. Sinabi din sa kanya na wala siyang karapatan na obligahin kaming magpatayo o magpagawa ng panibagong bakod sapagkat iyon ay malaking gastusin (hindi rin namin kaya) sa panig naming at hindi kami ang nakakapinsala kung hindi ang mga alaga niyang manok. Katulad ng tanod ay binalewala lang ng kapitbahay namin ang sinabi ng pulis. Hindi ikinulong ang mga manok niya at patuloy pa ring namiminsala sa mga tanim naming. Ang nakainsulto pa, minsan habang hinahabol namin ang kanyang mga manok ay nakita naming nandun lang siya sa kanyang bakuran. Sinabihan namin siya na nagkutkot na naman sa mga tanim ang mga manok niya. Tumingin lang siya amin ng asawa ko at pagkatapos ay nagkulong sa kanyang bahay… ni hindi man lang niya tinawag ang kanyang mga manok.
Isa pa sa ikinakatakot ko ay ang pag-aaway ng mga aso ko (4 na malalaking pitbullk-doberman mix) kapag pumapasok ang mga manok sa aming bakuran. Minsan na akong nakagat sa hita at kamay ng mag-away sila dahil sa manok. Bukod pa dito ay maysakit din sa puso ang asawa ko at pinagbawalan ng doctor ng magpakapagod. Pero dahil sa awa sa akin sa matinding trabaho (nagbubungkal ako ng matigas na lupa mula 6:30 ng umaga hanggang 11:30 am – 12 nn) sa pagtatanim kaya pag siya ang nakakakita sa mga manok ay siya na ang nanghahabol dito. Sinabihan na rin ng tanod ang aming kapitbahay na pag may nangyari sa asawa ko dahil sa panghahabol sa mga manok ay siya ang mananagot. Pero ito ay binalewala lang niya
Anong kaso (criminal and/or civil) ang pwede naming isampa sa kaniya upang maobliga siyang ikulong ang mga alaga niyang manok?

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum